Jn 14:6, Jn 1:14, 17, Jn 8:36, Rm 8:1-2, Rm 6:18,22

Ang katotohanan ay si Hesus. (Juan 14:6)

Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

Si Hesus ang Salita ng Katotohanan. (Juan 1:14,17)

Juan 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
17 Sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Biyaya at katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Si Hesus, ang katotohanan, ay nagpapalaya sa atin. ( Jn 8:32, 36 )

Jn 8:32 at malalaman ninyo ang katotohan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.
36 Kung gayon, kapag pinalaya na kayo ng Anak, kayo ay tunay ngang malaya.

Tayo ay pinalaya mula sa batas ng kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ni Kristo Hesus. (Rom 8:1-2, Rom 6:18,22)

Rom 8:1 Kung gayon, wala ng paghatol sa mga taong na kay Cristo Jesus. 2 Sapagkat pinalaya ako ng tuntunin ng Espiritu ng buhay na nakay Cristo Jesus mula sa tuntunin ng kasalanan at kamatayan.

Rom 6:18 Pinalaya kayo sa kasalanan, at ginawa kayong mga alipin kayo ng katuwiran.
22 Ngunit ngayon na kayo ay pinalaya mula sa kasalanan at alipin na ng Diyos, nasa inyo ang inyong bunga para sa ikababanal. Ang kahihinatnan ay buhay na walang hanggan.