Aw 146:8, Isa 29:18, Isa 35:5
Ang Lumang Tipan ay nagpropesiya na si Kristo ay darating at bubuksan ang mga mata ng mga bulag. (Aw 146:8, Isa 29:18, Isa 35:5)
Aw 146:8 minumulat ni Yahweh ang mga mata ng bulag; ibinabangon ni Yahweh ang mga nalulugmok; iniibig ni Yahweh ang mga matutuwid.
Isa 29:18 Sa araw na iyon, maririnig ng bingi ang mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa malalim na kadiliman.
Isa 35:5 Pagkatapos ang mga mata ng bulag ay makakakita, at ang mga tainga ng bingi ay makakarinig.
Binuksan ni Jesus ang mga mata ng bulag. Ibig sabihin, si Hesus ang Kristong ipinropesiya na darating sa Lumang Tipan. (Juan 9:30-33)
Juan 9:30 Ang lalake ay sumagot at sinabi sa kanila, “Bakit, ito ay isang kamangha-manghang bagay, at hindi ninyo alam kung saan siya nagmula, gayon pinadilat niya ang aking mga mata. 31 Alam natin na ang Diyos ay hindi nakikinig sa mga makasalanan, ngunit kung ang isang tao ay sumasamba sa Diyos at gumagawa ng kaniyang kalooban, siya ay pakikinggan ng Diyos. 32 Mula ng nagsimula ang mundo hindi kailanman narinig na napadilat ng sinuman ang mga mata ng isang taong isinilang na bulag. 33 Kung ang taong ito ay hindi galing sa Diyos, wala siyang kayang gawin.”