Jn 17:21-23
Ipinakita ni Jesus na Siya ang bugtong na Anak ng Diyos. Kaya si Hesus at ang Diyos ay iisa. (Juan 10:30-33,38)
Juan 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.” 31 Pagkatapos ay kumuhang muli ng mga bato ang mga Judio upang batuhin siya. 32 Sinagot sila ni Jesus, “Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawain mula sa Ama. Alin sa mga gawaing ito ang dahilan na pagbabatuhin ninyo ako?” 33 Sumagot ang mga Judio sa kaniya, “Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawain, kundi dahil sa paglapastangan, dahil ikaw na isang tao, ginagawa mong Diyos ang iyong sarili.”
38 “Subalit, kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi kayo manampalataya sa akin, maniwala kayo sa mga gawain upang malaman ninyo at maunawaan na ang Ama ay nasa sa akin at ako ay nasa sa Ama.”
Namatay si Hesus sa krus para iligtas tayo sa ating mga kasalanan at gawin tayong mga anak ng Diyos. (Juan 17:21-23)
Juan 17:21 upang lahat sila ay maging isa, na gaya mo, Ama, ay nasa akin, at ako ay nasa iyo. Ipinapanalangin ko na sila rin ay magig isa sa atin upang ang mundo ay maniwala na isinugo mo ako. 22 Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin — ibinigay ko ito sa kanila, upang sila ay maging isa, tulad natin na iisa — 23 ako sa kanila, at ikaw sa akin, na sila ay maging ganap na iisa; nang malaman ng mundo na ikaw ang nagsugo sa akin, at minahal ko sila, tulad ng pagmamahal mo sa akin.