Aw 35:19, Aw 69:4, Aw 109:3-5

Sa Lumang Tipan, isinulat na si Kristo ay kapopootan ng mga tao nang walang dahilan. (Aw 35:19, Aw 69:4, Aw 109:3-5)

Aw 35:19 Huwag mong hayaang magdiwang sa akin ang mapanlinlang kong mga kaaway; huwag mo silang hayaang magawa ang kanilang masasamang mga balak.

Aw 69:4 Higit pa sa aking mga buhok sa ulo ang mga napopoot sa akin ng walang dahilan; ang mga pumapatay sa akin, ang naging mga kaaway ko dahil sa mga maling dahilan, ay makapangyarihan; ang mga hindi ko ninakaw ay kailangan kong ibalik.

Aw 109:3 Pinalilibutan nila ako at nagsasabi nang mga bagay na nakamumuhi, at nilulusob nila ako nang walang dahilan. 4 Kapalit ng pag-ibig ko ay ang paninirang-puri nila, pero ipinapanalangin ko sila. 5 Ginantihan nila ako ng kasamaan para sa kabutihan at namumuhi sila sa aking pag-ibig.

Natupad kay Hesus na si Kristo ay kapopootan ng mga tao ng walang dahilan. Nangangahulugan ito na ang Kristo ay si Hesus. (Juan 15:23-25)

Juan 15:23 Ang namumuhi sa akin ay namumuhi rin sa akin Ama. 24 Kung hindi ko sana ginawa sa kanilang kalagitnaan ang mga gawain na hindi pa nagawa ninuman; hindi sana sila nagkaroon ng kasalanan, ngunit ngayon, pareho na nilang nakita at kinamuhian ako at ang aking Ama. 25 Ito ay nangyayari upang ang salita ay matupad na ayon sa nakasulat sa kanilang kautusan: Kinamumuhian nila ako ng walang kadahilanan.”