1 Cor 15:4, Aw 16:10, Isa 53:10, Mt 27:53, Gawa 1:3, 1 Cor 15:6
Sa Lumang Tipan ay inihula na si Kristo ay mamamatay at muling mabubuhay. ( Aw 16:10 , Isa 53:10 )
Aw 16:10 Dahil hindi mo iiwan ang aking kaluluwa sa Sheol. Hindi mo pababayaan ang tapat sa iyo na masilayan ang hukay.
Isa 53:10 Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya.
Si Hesus ay muling nabuhay ayon sa mga propesiya ni Kristo sa Lumang Tipan. (Mt 27:53, Gawa 1:3, 1 Cor 15:4-6)
Mt 27:53 At lumabas sila mula sa mga libingan pagkatapos ng kaniyang pagkabuhay, pumasok sa banal na lungsod, at nagpakita sa marami.
Gawa 1:3 Pagkatapos ng kaniyang paghihirap, iniharap niyang buhay ang kaniyang sarili sa kanila kasama ang marami pang mga kapani-paniwalang katibayan. Sa loob ng apatnapung araw, nagpakita siya sa kanila at nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.
1 Cor 15:4 na siya ay inilibing, at siya ay nabuhay noong ikatlong araw ayon sa mga kasulatan. 5 At na siya ay nagpakita kay Cefas, at pagkatapos sa Labindalawa. 6 Pagkatapos siya ay nagpakita sa mahigit limandaan na mga kapatid ng paminsan. Karamihan sa kanila ay buhay pa, ngunit ang ilan ay natulog na.
Si Jesus ay ang Kristo na ipinropesiya na darating sa Lumang Tipan.