Isa 53:10-11, Jn 3:16, Gawa 5:30-31, Rom 8:3-4, Gal 2:16
Walang sinuman ang maaaring bigyang-katwiran sa pamamagitan ng batas ni Moises. Ngunit ang mga naniniwala kay Jesus bilang ang Kristo ay tumatanggap ng kapatawaran ng mga kasalanan at inaaring-ganap. (Mga Gawa 13:38-39, Gal 2:16)
Mga Gawa 13:38 Kaya dapat ninyo itong malaman, mga kapatid, na sa pamamagitan ng taong ito ay naipahahayag sa inyo ang kapatawaran ng mga kasalanan. 39 Sa pamamagitan niya ang bawat isang mananampalataya ay pinawalang-sala mula sa lahat ng bagay na hindi kayang maipawalang-sala sa inyo sa kautusan ni Moises.
Gal 2:16 alam namin na walang sinuman ang pinawalang-sala sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sa halip, pinawalang-sala sila sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo Jesus. Tayo ay nanampalataya kay Cristo Jesus upang maaari tayong mapawalang-sala sa pamamagitan ng paniniwala kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng paggawa ng kautusan. Sapagkat sa pammamagitan ng paggawa ng kautusan, walang laman ang mapapawalang-sala.
Ang Lumang Tipan ay nagpropesiya na si Kristo ay mamamatay upang pasanin ang ating mga kasalanan. ( Isa 53:10-11 )
Isa 53:10 Ito ay kalooban ni Yahweh para durugin siya at gawin siyang masama; at kung ginagawa niyang handog ang kanyang buhay para sa kasalanan, makikita niya ang kanyang mga anak, pahahabain niya ang kanyang mga araw, at ang kalooban ni Yahweh ay matutupad sa pamamagitan niya. 11 Pagkatapos niyang magdusa, makikita niya at masisiyahan sa pamamagitan ng kaalaman kung ano ang kanyang nagawa. Ang aking matuwid na lingkod ay ipawawalang-sala ang marami; dadalhin niya ang kanilang kasamaan.
Ipinakita sa atin ng Diyos na si Jesus ang Kristo sa pamamagitan ng muling pagbuhay kay Jesus. At pinatawad ng Diyos ang mga kasalanan ng mga naniwala kay Hesus bilang ang Kristo. ( Gawa 5:30-31 )
Gawa 5:30 Ang Diyos ng aming mga ama ang bumuhay kay Jesus, na inyong pinatay sa pamamagitan ng pagbitin sa kaniya sa puno. 31 Tinaas siya ng Diyos sa kaniyang kanang kamay upang maging prinsipe at tagapagligtas, upang magbigay ng pagsisisi sa Israel at kapatawaran sa mga kasalanan.
Ginawa ng Diyos na si Hesus ang magpasan ng ating mga kasalanan at tayo ay pinatawad. (Rom 8:3-4)
Rom 8:3 Sapagkat kung ano ang hindi kayang gawin ng kautusan dahil mahina ito sa pamamagitan ng laman ay ginawa ng Diyos. Isinugo niya ang kaniyang sariling Anak na kawangis ng makasalanang laman para maging isang handog sa kasalanan, at hinatulan niya ang kasalanan sa laman. 4 Ginawa niya ito upang sa gayon ang mga hinihingi ng kautusan ay matupad sa atin, tayong mga hindi lumalakad ayon sa laman, ngunit ayon sa Espiritu.