Kinailangan ni Paul na umalis bukas, kaya sinabi niya sa kanyang mga alagad na si Jesus ang Kristo hanggang sa hatinggabi. Gayunpaman, ang isang kabataang lalaki na nagngangalang Eutychus ay nakaupo sa bintana at nakikinig sa mensahe ni Pablo, nang siya ay nakatulog at namatay. Nanalangin si Paul at iniligtas ang binata. At nagpatotoo si Pablo na si Jesus ang Kristo hanggang sa madaling araw.
Gawa 20:7 Sa unang araw ng linggo, nang kami ay nagtipun-tipon upang pagpira-pirasuhin ang tinapay, nagsalita si Pablo sa mga mananampalataya. Binabalak niyang umalis kinabukasan, kaya patuloy siyang nagsalita hanggang hating gabi. 8 May maraming mga ilawan sa itaas ng silid kung saan kami nagtipun-tipon. 9 May isang binata na nakaupo sa bintana na nagngangalang Eutico, na nakatulog ng mahimbing. Habang tumatagal ang pangangaral ni Pablo, patuloy parin sa pagtulog ang binatang ito, nahulog mula sa pangatlong palapag at kinuha siyang patay. 10 Ngunit bumaba si Pablo, dumapa sa kaniya at yinakap siya. At sinabi niya “Wag kayong mag-alala, dahil siya ay buhay.” 11 Pagkatapos umakyat siya sa itaas at pinag-piraso ang tinapay at kumain. Pagkatapos niyang makipag-usap sa kanila hanggang madaling-araw, siya ay umalis. 12 Naibalik nila ang binata ng buhay at naging panatag ang kanilang kalooban.