Mga Gawa 5:42, 2 Tim 2:9, Isa 40:8, Isa 55:11

Ang ebanghelyo ng Diyos ay hindi tumitigil at kailangang matupad (Isa 40:8, Isa 55:11)

Isa 40:8 Ang damo ay natutuyot, ang bulaklak ay nalalanta, ngunit ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”

Isa 55:11 gaya rin ng aking salita na lumalabas sa aking bibig: hindi ito babalik sa akin nang walang kabuluhan, pero tutuparin nito ang aking nais, at magtatagumpay kung saan ko ito ipinadala.

Sa kalaunan ay ipinakulong ng mga Judio si Pablo. Gayunpaman, ang ebanghelyo na ipinangaral ni Pablo na si Jesus ay ang Kristo ay hindi tumitigil. (Gawa 28:30-31, 2 Tim 2:9, Gawa 5:42)

Gawa 28:30 Si Pablo ay nanirahan ng buong dalawang taon sa kaniyang inupahang bahay, at tinanggap niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya. 31 Ipinangaral niya ang kahariaan ng Dios at itinuturo ang mga bagay patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo ng may katapangan. Walang sinuman ang pumigil sa kaniya.

2 Tim 2:9 kung saan ako ay nagdurusa na humantong sa pagkakadena sa akin na parang isang kriminal. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nakatanikala.

Gawa 5:42 Pagkatapos noon araw-araw sa templo at sa bawat bahay, sila ay patuloy na nagtuturo at ipinapangaral si Jesus bilang Cristo.