Ex 25:22, Heb 8:5-6, Jn 2:19-21, Mt 27:50-51, Heb 10:19-20, Jn 14:6, Rev 21:22

Para sa mga Israelita, ang templo at ang tabernakulo ay mga lugar ng pakikipagtagpo sa Diyos. ( Exo 25:22 )

Exo 25:22 Ito ang kaban na kung saan ako ay makikipagkita sa iyo. Makikipag-usap ako sa iyo mula sa aking kinalalagyan sa ibabaw ng takip ng luklukan ng awa. Ito ay magmula sa pagitan ng dalawang kerubin sa ibabaw ng kaban ng patunay na ako ay makikipag-usap sa iyo tungkol sa lahat ng mga utos na ibibigay ko sa iyo para sa mga Israelita.

Ngunit ito ang mga anino ni Kristo, ang tunay na templo. (Heb 8:5-6)

Heb 8:5 Naglilingkod sila sa isang bagay na huwaran at anino ng mga bagay na makalangit, kagaya na lamang ng babala ng Diyos kay Moises noong itatayo na niya ang tabernakulo, “Tingnan mo,” sinabi ng Diyos, na gagawin mo ang lahat ayon sa batayan na ipinakita sa iyo doon sa bundok.” 6 Ngunit ngayon tinanggap ni Cristo ang isang mas mataaas na paglilingkod dahil siya din ang tagapamagitan ng mas mainam na tipan, na itinatag sa mas mainam na mga pangako.

Si Kristo ang tunay na templo. (Juan 2:19-21)

Juan 2:19 Sumagot si Jesus, “Wasakin ang templong ito, at sa tatlong araw aking itatayo ito.” 20 At sinabi ng mga may katungkulang Judio, “Umabot nang apatnapu't anim na taon para magawa ang templong ito, at itatayo mo ito sa tatlong araw?” 21 Subalit, siya ay nagsasalita tungkol sa templo ng kaniyang katawan.

Nang si Kristo, ang tunay na templo, ay namatay sa krus, ang tabing ng santuwaryo ay napunit. Sa madaling salita, ang daan upang makilala ang Diyos ay nabuksan sa pamamagitan ng punit-punit ni Kristo. (Mt 27:50-51, Marcos 15:37-38, Heb 10:19-20)

Mt 27:50 Pagkatapos nito muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig at isinuko ang kaniyang espiritu. 51 Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.

Marcos 15:37 Pagkatapos ay sumigaw si Jesus ng may malakas na boses at namatay. 38 Napunit sa dalawa ang kurtina ng templo mula itaas hanggang ibaba.

Heb 10:19 Kaya naman, mga kapatid, may pananalig tayong makakapasok sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus. 20 Iyon ang paraan na kaniyang binuksan para sa atin sa pamamagitan ng kaniyang katawan, isang bago at buhay na daan sa pamamagitan ng tabing.

Si Hesus ang daan upang makilala ang Diyos. (Juan 14:6)

Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

Si Hesus ang walang hanggang templo. (Apoc 21:22)

Pahayag 21:22 Wala akong nakitang templo sa lungsod, dahil ang Panginoong Diyos, na siyang namumuno sa lahat, at ang Kordero ang kanilang templo.