1 Thess 1:10, James 5:8-9, 1 Pt 4:7, 1 Jn 2:18, 1 Cor 7:29-31, Rev 22:20

Ang mga unang miyembro ng simbahan ay naghintay sa pagbabalik ni Hesus noong sila ay nabubuhay pa. ( 1 Cor 1:7, 1 Thess 1:10 )

1 Cor 1:7 Samakatuwid kayo nga ay hindi nagkukulang sa kaloob ng Espiritu, habang sabik kayong naghihintay sa kapahayagan ng ating Panginoong Jesu-Cristo.

1 Thess 1:10 Ibinalita nila na kayo ay naghihintay sa kaniyang Anak mula sa langit, na kaniyang ibinangon mula sa mga patay. Ito ay si Jesus, na nagpalaya sa atin mula sa poot na darating.

Sinabi rin ng mga apostol na malapit na ang pagdating ni Jesu-Kristo. (Santiago 5:8-9, 1 Pt 4:7, 1 Jn 2:18, 1 Cor 7:29-31)

Santiago 5:8 Kayo rin ay maging matiyaga; ayusin ninyo ang inyong mga puso, dahil ang pagdating ng Panginoon ay malapit na. 9 Huwag magreklamo, mga kapatid, laban sa isa't-isa upang kayo ay hindi mahatulan. Tingnan ninyo, ang hukom ay nakatayo sa pintuan.

1 Pedro 4:7 Ang katapusan ng lahat ng mga bagay ay parating na. Kaya magkaroon kayo ng matinong kaisipan at maliwanag na pag-iisip para sa kapakanan ng inyong mga panalangin.

1 Jn 2:18 Mga bata, ito na ang huling oras. Gaya nang narinig ninyo na ang antikristo ay darating, kahit ngayon ay may marami nang mga antikristong dumating, sa pamamagitan nito nalalaman nating ito na ang huling oras.

1 Cor 7:29 Ngunit ito ang aking sinasabi mga kapatid na lalaki at babae: Maiksi na ang panahon. Mula ngayon, ang sinumang may asawang babae ay mamuhay na parang walang asawa. 30 At sa mga tumatangis ay dapat kumilos na parang hindi tumatangis at sa nagsasaya na parang hindi nagsasaya at sa mga namimili ng anumang bagay ay parang walang pag-aari. 31 At sa mga nakikisama sa mundong ito ay dapat silang kumilos na parang walang pakikisama sa mundong ito, sapagkat ang pamamalakad ng mundong ito ay magtatapos na.

Nangako rin si Jesus na darating Siya sa lalong madaling panahon. (Apoc 22:20)

Apoc 22:20 Siyang nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay sinasabi, “Oo! Malapit na akong dumating.” Amen! Halika, Panginoong Jesus!