1 Cor 6:19, 2 Cor 6:16, Eph 2:22
Kung tayo ay naniniwala kay Hesus bilang ang Kristo, ang Banal na Espiritu ay nananahan sa atin. Kaya tayo ay nagiging templo ng Diyos. (1 Cor 3:16-17, 1 Cor 6:19, 2 Cor 6:16, Eph 2:22)
1 Cor 3:16 Hindi ba ninyo alam na kayo ang templo ng Diyos at ang Espiritu ng Diyos ay naninirahan sa inyo? 17 Kung sinuman ang wawasak sa templo ng Diyos, sisirain din ng Diyos ang taong iyon. Sapagkat ang templo ng Diyos ay banal at maging kayo.
1 Cor 6:19 Hindi ba ninyo alam na ang inyong katawan ay templo ng Banal na Espiritu, na siyang namumuhay sa inyo, na inyong tinanggap mula sa Diyos? Hindi ba ninyo alam na hindi na ninyo pag-aari ang inyong sarili?
2 Cor 6:16 Hindi ba ninyo alam na ang sinumang nakipag-isa sa mga nagbebenta ng aliw ay magiging isang laman kasama siya? Gaya ng sinasabi ng kasulatan, “Ang dalawa ay magiging isang laman.”
Efe 2:22 Dahil sa kaniya kaya kayo din ay magkakasamang itinayo bilang isang tahanan para sa Diyos sa Espiritu.