Gen 1:1, Gen 1:26-27, Mal 2:10, Eph 4:6, Gawa 10:36, 1 Cor 15:28, Col 3:11, Heb 1:2, Jn 1:3, Col 1 :15-17, Apoc 4:11
Ginawa tayo ng Diyos at ni Jesucristo. ( Gen 1:26-27, Mal 2:10 )
Gen 1:26 Sinabi ng Diyos, “Gawin natin ang tao ayon sa ating wangis, ayon sa ating larawan. Hayaan silang mamahala sa isda sa dagat, sa mga ibon sa langit, sa mga hayop, sa buong mundo, at sa lahat ng gumagapang na bagay na gumagapang sa mundo. 27 Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa kanyang sariling wangis. Ayon sa kanyang wangis nilikha niya siya. Lalaki at babae nilikha niya sila.
Mal 2:10 Hindi ba lahat tayo ay may isang ama? Hindi ba iisang Diyos ang lumikha sa atin? Bakit tayo nakikitungo nang may pandaraya laban sa ating kapatid, na nilalapastangan ang kasunduan ng ating mga ama?
Ang Diyos at si Jesu-Kristo ay Panginoon ng lahat. (Efe 4:6, Gawa 10:36, 1 Cor 15:28)
Efe 4:6 at iisang Diyos at Ama ng lahat. Siya ay higit sa lahat at kumikilos sa lahat at nananatili sa lahat.
Gawa 10:36 Alam ninyo ang mensahe na ipinadala niya sa mga taga-Israel, nang ipahayag niya ang magandang balita tungkol sa kapayapaan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, na Panginoon ng lahat—
1 Cor 15:28 Kapag ang lahat ay naipasakop na sa kaniya, ang Anak mismo ay magpapasakop doon sa nagpailalim ng lahat sa kaniya. Ito ay mangyayari upang ang Diyos Ama ay maging lahat sa lahat.
Nilikha ng Diyos at ni Jesucristo ang lahat. (Gen 1:1, Rev 4:11, 1 Cor 8:6, Heb 1:2, Jn 1:3, Col 1:15-17)
Gen 1:1 Noong simula nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa.
Rev 4:11 “Karapat-dapat ka, aming Panginoon at aming Diyos, na tumanggap ng kaluwalhatian at ng karangalan at ng kapangyarihan. Dahil nilikha mo ang lahat ng bagay, at sa pamamagitan ng iyong kalooban, sila ay nabuhay at nilikha.
1 Cor 8:6 “Ngunit sa atin ay may iisang Diyos Ama, na mula sa kaniya ang lahat ng mga bagay at siyang dahilan kaya tayo ay nabubuhay, at may isang Panginoong Jesu-Cristo, na sa pamamagitan niya ang lahat ng bagay ay umiiral at na sa pamamagitan niya tayo ay umiiral.”
Heb 1:2 Ngunit sa mga araw na ito, nakikipag-usap ang Diyos sa atin sa pamamagitan ng Anak na siyang hinirang na tagapagmana ng lahat ng bagay, at sa pamamagitan niya ginawa ang mundo.
Jn 1:3 Ang lahat nang mga bagay ay nalikha sa pamamagitan niya, at kung wala siya, ay wala kahit isang bagay ang nilikha na nalikha.
Col 1:15 Ang anak ay ang larawan ng hindi nakikitang Diyos. Siya ang unang anak sa lahat ng mga nilikha. 16 Sapagkat sa pamamagitan niya nilikha ang lahat ng bagay, ang mga nasa langit at ang mga nasa lupa, ang mga nakikita at ang mga hindi nakikita. Maging mga trono o pamahalaan o pamunuan o kapangyarihan, ang lahat ng bagay ay nilikha sa pamamagitan niya at para sa kaniya. 17 Siya ang una sa lahat ng mga bagay, at sa kaniya ang lahat ng bagay ay nagkakaugnay.