Deut 8:3, Neh 9:15,20-21, Aw 78:24, Jn 6:32-33, 35, Aw 78:12-16
Maging sa Lumang Tipan, pinangunahan ni Kristo ang bansang Israel kasama ng Diyos. (1 Cor 10:1-4, Aw 78:12-16)
1 Cor 10:1 Gusto kong malaman ninyo, mga kapatid, na ang ating mga ninuno ay napasailalim sa ulap at tumawid silang lahat sa dagat. 2 Lahat ay nabautismuhan kay Moises sa ulap at sa dagat, 3 at lahat ay kumain ng parehong espiritwal na pagkain. 4 Lahat ay nakainom ng parehong espirituwal na inumin. Sapagkat sila ay nakainom mula sa parehong espirituwal na bato na sumunod sa kanila, at ang batong ito ay si Cristo.
Aw 78:12 Gumawa siya ng kahanga-hangang mga bagay sa harap ng kanilang mga ninuno sa lupain ng Ehipto, sa lupain ng Soan. 13 Hinati niya ang dagat at dinala sila sa kabila nito; pinatayo niya ang mga tubig na gaya ng mga pader. 14 Sa umaga, pinangunahan niya sila ng ulap at sa buong gabi sa liwanag ng apoy. 15 Biniyak niya ang mga bato sa ilang, at binigyan sila ng maraming tubig, sapat para punuin ang kailaliman ng dagat. 16 Nagpaagos siya ng tubig mula sa bato at pinadaloy ang tubig gaya ng mga ilog.
Si Kristo, kasama ng Diyos, ay naglaan ng pagkain para sa bansang Israel. (Neh 9:15,20-21, Aw 78:24-29)
Neh 9:15 Binigyan mo sila ng tinapay mula sa langit para sa kanilang gutom, at tubig mula sa isang bato para sa kanilang uhaw, at sinabi mo sa kanila na pumunta para angkinin ang lupain na pinangako mo na ibibigay sa kanila.
20 Binigay mo ang mabuti mong Espiritu para turuan sila, at ang iyong manna ay hindi mo ipinagkait sa kanilang mga bibig, at binigyan mo sila ng tubig para sa kanilang pagkauhaw. 21 Sa apatnapung taon ibinigay mo ang kanilang pangangailangan sa ilang, at hindi sila nagkulang. Ang kanilang mga kasuotan ay hindi nasira at ang kanilang mga paa ay hindi namaga.
Aw 78:24 Nagpaulan siya ng manna para sa kainin nila, at binigyan sila ng butil mula sa langit. 25 Kinain ng mga tao ang tinapay ng mga anghel. Nagpadala siya sa kanila ng masaganang pagkain. 26 Pinaihip niya ang silangang hangin sa kalangitan, at sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan, ginabayan niya ang katimugang hangin. 27 Nagpaulan siya ng karne para sa kanila gaya ng alikabok, mga ibon na singdami ng mga buhangin sa dagat. 28 Nahulog ito sa gitna ng kanilang kampo, sa buong paligid ng kanilang mga tolda. 29 Kaya kumain sila at nabusog. Binigay niya ang gusto nila.
Ang pagkain na ibinigay ng Diyos sa mga Israelita sa ilang ay anino ni Kristo. Ang tunay na pagkain na ibinibigay ng Diyos ay si Kristo. (Deut 8:3, Jn 6:32-33,35)
Deut 8:3 Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.
Jn 6:32 agkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo.
35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.