Rom 1:2, Gal 3:16, Rom 10:4, Rom 15:8-12
Nangako ang Diyos tungkol sa Kanyang Anak sa pamamagitan ng mga propeta sa Lumang Tipan. (Rom 1:2)
Rom 1:2 Ito ang ebanghelyo na noon pa man ay ipinangako na niya sa pamamagitan ng mga propeta sa banal na kasulatan.
Si Kristo ang ipinangako ng Diyos kay Abraham at sa kanyang mga inapo. (Gal 3:16 )
Gal 3:16 Ngayon, ang mga pangako ay sinabi kay Abraham at sa kaniyang kaapu-apuhan. Hindi nito sinabi, “Sa mga kaapu-apuhan,” na tumutukoy sa marami, kung hindi sa iisa lang. “Sa iyong kaapu-apuhan,” na si Cristo.
Ang batas na ibinigay ng Diyos ay natupad din kay Kristo. (Rom 10:4)
Rom 10:4 Sapagkat si Cristo ang katuparan ng kautusan para sa katuwiran ng lahat ng sumasampalataya.
Kay Kristo na tinawag ng Diyos ang mga Israelita at ang mga Hentil. (Rom 15:8-12)
Rom 15:8 Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay ginawang lingkod ng pagtutuli sa ngalan ng katotohanan ng Diyos. Ginawa niya ito upang patotohanan niya ang mga pangakong ibinigay sa mga ninuno, 9 at para sa mga Gentil upang papurihan nila ang Diyos sa kaniyang awa. Ito ay gaya ng nasusulat, “Kaya pupurihin kita kasama ng mga Gentil, at aawit ng papuri sa pangalan mo.” 10 Muling nitong sinasabi, “Magalak kayo, kayong mga Gentil, kasama ang kaniyang mga tao.” 11 At muli, “Purihin ang Panginoon, lahat kayong mga Gentil at hayaan ninyong ang lahat na mga tao ay purihin siya.” 12 Sinasabi rin ni Isaias, “Magkakaroon ng ugat mula kay Jesse, at siya ang lilitaw upang mamuno sa mga Gentil. Magtitiwala ang mga Gentil sa kaniya.”
Lahat ng pangako ng Diyos ay natupad kay Kristo. Kaya't niluluwalhati natin ang Diyos sa pamamagitan ni Kristo. (2 Cor 1:19-20)
2 Cor 1:19 Dahil si Jesu-Cristo na Anak ng Diyos na ipinahayag namin nina Silvanus at Timoteo sa inyo, ay hindi “Oo” at “Hindi.” Kundi laging “Oo”. 20 Dahil ang lahat ng mga pangako ng Diyos ay “Oo” sa kaniya. Kaya sa pamamagitan din niya, magsasabi tayo ng “Amen” sa kaluwalhatian ng Diyos.