Gen 1:3, Jn 1:4,9, Lc 1:78-79

Nagbigay ang Diyos ng liwanag sa paglikha ng langit at lupa. (Gen 1:3)

Gen 1:3 Sinabi ng Diyos, ''Magkaroon ng liwanag” at nagkaroon ng liwanag.

Ibinigay sa atin ng Diyos si Kristo, na siyang tunay na liwanag, upang makilala natin ang Diyos. (2 Cor 4:6, Jn 1:4,9)

2 Cor 4:6 Sapagkat ang Diyos ang siyang nagsabi, “Ang liwanag ay magniningning mula sa kadiliman.” Siya ay nagliwanag sa aming mga puso, upang ibigay ang liwanag ng kaalaman sa kaluwalhatian ng Diyos sa presensiya ni Jesu-Cristo.

Jn 1:4 Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan.
9 Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat.

Ang liwanag ni Kristo ay sumikat sa atin sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. (Lucas 1:78-79)

Lucas 1:78 Mangyayari ito dahil sa dakilang habag ng ating Diyos, dahil dito ay dumarating sa atin ang pagsikat ng araw mula sa itaas, 79 upang magliwanag sa kanila na nakaupo sa kadiliman at sa anino ng kamatayan. Gagawin niya ito upang gabayan ang ating mga paa sa daan ng kapayapaan.”