Jn 6:39, 2 Cor 11:2, 2 Pt 3:18, Col 1:28, Rom 8:29, Mt 28:18-20
Si Pablo ay muling nagpagal hanggang sa mahubog si Kristo sa atin. ( Gal 4:19 )
Gal 4:19 Maliliit kong mga Anak, ako ay nagdaranas muli ng sakit tulad ng babaing nanganganak para sa inyo hanggang si Cristo ay mabuo sa inyo.
Dapat tayong lumago sa kaalaman tungkol kay Kristo. ( 2 Pt 3:18, Col 1:28 )
2 Pedro 3:18 Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen!
Col 1:28 Siya ito na ating ipinapahayag. Pinagsasabihan natin ang bawat isa, at tinuturuan natin ang bawat isa ng may buong karunungan, upang maiharap natin ang bawat tao na ganap kay Cristo.
Ang tunay na larawan ni Kristo ay si Hesus, ang bugtong na Anak. Hindi pinalampas ni Jesus ang sinuman sa mga ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. Ang maging katulad sa larawan ng Anak ay nangangahulugan na tayo rin, bilang mga anak ng Diyos, ay hinahanap ang mga ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. Inutusan din tayo ni Jesus na hanapin ang mga ipinagkatiwala sa atin ng Diyos. (Rom 8:29, Jn 6:39, Mt 28:18-20)
Rom 8:29 Dahil ang mga kilala na niya noong una pa man, ay itinalaga din niya na matulad sa imahe ng kaniyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid.
Jn 6:39 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na dapat walang sinuman akong maiwala sa lahat ng ibinigay niya sa akin, subalit dapat maibangon sila sa huling araw.
Mt 28:18 Pumunta si Jesus sa kanila at nagsalita sa kanila at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa. 19 Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu. 20 Turuan sila na sumunod sa lahat ng mga iniutos ko sa inyo. At pakinggan ninyo, Ako ay laging nasa inyo, maging sa katapusan ng mundo.”