ipinangaral; at dito ako ay nagagalak, oo, at ako'y magagalak. (Fil 1:12-18)
Bagama't nakakulong si Pablo, nagawa niyang ipangaral ang ebanghelyo sa mga bumisita sa kanya. Ang ilang mga banal ay nangaral ng ebanghelyo nang mas matapang dahil sa pagkabilanggo ni Pablo. Ang mga Kristiyanong Hudyo na nainggit kay Pablo ay nangaral din ng ebanghelyo nang may kompetisyon. Si Pablo ay nagalak dahil ang ebanghelyo ay ipinangangaral sa iba't ibang paraan.
Fil 1:12 Ngayon, nais kong malaman ninyo mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nagbunga ng mabilis na paglaganap ng ebanghelyo. 13 Dahil ang aking pagkabilanggo dahil kay Cristo ay nalaman ng mga bantay sa buong palasyo at ng lahat. 14 At nahimok ang halos lahat ng mga kapatid sa Panginoon dahil sa aking pagkabilanggo na maglakas-loob na ipahayag ang salita nang walang takot. 15 Tunay na inihahayag ng iba si Cristo dahil sa inggit at alitan, at ang iba naman ay dahil sa mabuting kalooban. 16 Ang mga naghahayag kay Cristo dahil sa pag-ibig ay nalalaman na inilagay ako dito upang ipagtanggol ang ebanghelyo. 17 Ngunit ipinapahayag ng iba si Cristo dahil sa makasarili at hindi tapat na mga dahilan. Iniisip nilang mapapahirapan nila ako habang nasa kulungan. 18 Ano naman? Sa alinmang paraan maging sa pagkukunwari o sa katotohanan, naihahayag si Cristo, at dahil dito nagagalak ako! Oo, ako ay magagalak.