1 Tim 1:1, Lc 2:25-32, Gawa 28:20, Aw 39:7, Aw 42:5, Aw 71:5, Jer 17:13,
Mga Gawa 28:20, Rom 15:12
Ang Diyos ang ating pag-asa. (Aw 39:7, Aw 71:5, Jer 17:13)
Aw 39:7 Ngayon, Panginoon, para saan ang aking paghihintay? Ikaw lamang ang aking pag-asa.
Aw 71:5 Dahil ikaw ang aking pag-asa, Panginoong Yahweh. Nagtiwala ako sa iyo mula noong ako ay bata pa.
Jer 17:13 Si Yahweh ang pag-asa ng Israel. Lahat ng mang-iwan sa iyo ay mapapahiya. Ang mga tumalikod sa iyo na nasa lupain ay puputulin. Sapagkat iniiwan nila si Yahweh, ang bukal ng tubig ng buhay.
Si Jesus ang pag-asa ng Israel, ang Kristo. ( Lucas 2:25-32, Gawa 28:20 )
Lucas 2:25 Masdan ito, may isang lalaki sa Jerusalem na ang pangalan ay Simeon. Ang taong ito ay matuwid at may taos na pananalig. Siya ay naghihintay sa manga-aliw ng Israel, at ang Banal na Espiritu ay nasa kaniya. 26 Ipinahayag sa kaniya ng Banal na Espiritu na hindi siya mamamatay bago niya makita ang Cristo ng Panginoon. 27 Isang araw, siya ay pumunta sa templo sa pangunguna ng Banal na Espiritu. Nang dinala ng mga magulang ang bata na si Jesus upang gawin para sa kaniya ang nakaugaliang hinihingi ng kautusan, 28 tinanggap siya ni Simeon sa kaniyang mga bisig, at nagpuri sa Diyos at sinabi, 29 “Ngayon ay hayaan mong pumanaw ang iyong lingkod nang may kapayapaan, Panginoon, ayon sa iyong salita. 30 Sapagkat nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas 31 na iyong inihanda sa paningin ng lahat ng tao. 32 Siya ay liwanag para sa paghahayag sa mga Gentil at kaluwalhatian ng iyong mga taong Israel.”
Gawa 28:20 Dahil sa aking kahilingan, pagkatapos nakiusap ako na makita kayo at makipag-usap sa inyo. Ito ang dahilan kung bakit napalakas ang loob ng Israel na ako ay naigapos sa kadenang ito.
Si Hesus, ang Kristo, ang ating pag-asa. (Col 1:27, 1 Tim 1:1)
Col 1:27 Ito ay para sa kanila na nais ng Diyos na makaalam kung ano ang mga kayamanan ng maluwalhating lihim na ito ng katotohanan sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na nasa inyo, ang pagtitiwala ng kaluwalhatian sa hinaharap.
1 Tim 1:1 Mula kay Pablo, apostol ni Cristo Jesus ayon sa kautusan ng Diyos na ating tagapagligtas at Cristo Jesus na ating inaasahan,