Jn 3:16-17, Ezk 18:23,32, Tito 2:11, 2 Pt 3:9, Gawa 4:12
Nais ng Diyos na ang lahat ng tao ay maligtas. (1 Tim 2:4, Tito 2:11, 2 Pt 3:9)
1 Tim 2:4 Ninanais niya na ang lahat ng tao ay maligtas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa katotohanan.
Tito 2:11 Pagkat ang biyaya ng Diyos ay nahayag sa lahat ng tao.
2 Pedro 3:9 ng Panginoon ay hindi mabagal tungkol sa kaniyang mga pangako, na itinuturing ng iba na kabagalan, ngunit siya ay matiyaga sa iyo. Hindi niya ninanais na sino man sa inyo ay mapahamak, ngunit ninanais niyang bigyan ng panahon ang lahat upang magsisi.
Nais ng Diyos na ang masasama ay magsisi at maligtas. ( Ezk 18:23, 32 )
Ezk 18:23 Labis ko bang ikinagagalak ang pagkamatay ng makasalanan—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—at hindi ang kaniyang pagtalikod mula sa kaniyang kaparaanan upang siya ay mabuhay?
32 Sapagkat hindi ako nagagalak sa pagkamatay ng isang namatay—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh- kaya magsisi at mabuhay!”
Ngunit si Kristo lamang ang isinugo ng Diyos bilang daan ng kaligtasan. Ang mga tao ay dapat maniwala kay Hesus bilang ang Kristo upang maligtas. (Jn 3:16-17, Gawa 4:11-12)
Jn 3:16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.
Gawa 4:11 Si Jesu-Cristo ang bato na itinakwil ninyo, bilang mga tagapagtayo, ngunit siya pa rin ang ginawang pangunahing batong panulukan. 12 Walang kaligtasan sa sinumang tao: sapagkat wala ng iba pang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, kung saan tayo maliligtas.”