Lc 24:27,44-45, Jn 5:39, Gawa 28:23

Ang Lumang Tipan ay nagpropesiya na ang kaligtasan ay makakamit sa pamamagitan ni Kristo. Na si Kristo ay si Hesus. ( 2 Tim 3:15 )

2 Tim 3:15 Alam mo na mula sa iyong kabataan nalaman mo na ang sagradong kasulatan. Ang mga ito ang nagbibigay karunungan sa iyo para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.

Ang Lumang Tipan ay isang propesiya ni Kristo. Ipinaliwanag ni Jesus sa kaniyang mga alagad na ang hula tungkol kay Kristo ay natupad sa kaniya. (Jn 5:39, Lc 24:27,44-45)

Jn 5:39 Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin,

Lucas 24:27 At magmula kay Moises at sa lahat ng propeta, ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili sa lahat ng mga kasulatan.
44-45

Nagpatotoo rin si Pablo na ang Kristong inilarawan sa Lumang Tipan ay si Jesus. (Mga Gawa 28:23)

Gawa 28:23 Nang sila ay nagtakda ng araw para sa kaniya, maraming tao ang lumapit sa kaniya sa lugar na kaniyang tinitirhan. Iniharap niya ang mga bagay sa kanila, at nagpatotoo tungkol sa kaharian ng Dios. Sinubukan niyang himukin sila patungkol kay Jesus, ayon sa batas ni Moises at sa mga propetanasabi, niya, mula umaga hanggang gabi.