Isa 40:8, Isa 55:11, 1 Pt 1:24-25, Gawa 28:30-31
Ang ebanghelyo na si Jesus ay ang Kristo ay hindi kailanman nakatali. (1 Pedro 1:24-25, Isa 40:8, Isa 55:11)
1 Pedro 1:24 Sapagkat “Ang lahat ng laman ay tulad ng damo, at ang lahat ng kagandahan nito ay tulad ng bulakalak. Ang damo ay malalanta, at ang bulaklak ay malalaglag, 25 pero ang salita ng Panginoon ay mananatili magpakailanman.” Ito ang mensahe na ipinahayag bilang ebanghelyo sa inyo.
Isa 40:8 Ang damo ay natutuyot, ang bulaklak ay nalalanta, ngunit ang salita ng Diyos ay mananatili magpakailanman.”
Isa 55:11 gaya rin ng aking salita na lumalabas sa aking bibig: hindi ito babalik sa akin nang walang kabuluhan, pero tutuparin nito ang aking nais, at magtatagumpay kung saan ko ito ipinadala.
Kahit na si Pablo ay nasa bilangguan, ang ebanghelyo na si Jesus ay ang Kristo ay hindi tumitigil. ( 2 Tim 2:9, Gawa 28:30-31 )
2 Tim 2:9 kung saan ako ay nagdurusa na humantong sa pagkakadena sa akin na parang isang kriminal. Ngunit ang salita ng Diyos ay hindi nakatanikala.
Gawa 28:30 Si Pablo ay nanirahan ng buong dalawang taon sa kaniyang inupahang bahay, at tinanggap niya ang lahat ng lumalapit sa kaniya. 31 Ipinangaral niya ang kahariaan ng Dios at itinuturo ang mga bagay patungkol sa Panginoong Jesu-Cristo ng may katapangan. Walang sinuman ang pumigil sa kaniya.