Siya ay nananatiling tapat;
Hindi Niya maitatanggi ang Kanyang sarili. ( 2 Tim 2:13 )
Jn 3:16-17, 1 Cor 1:9,19, 1 Cor 10:13, 2 Cor 1:18, Num 23:19,
Heb 10:23, Mal 3:6, Deut 7:9, Isa 55:11

Laging tinutupad ng Diyos ang Kanyang mga pangako sa atin. (Bil 23:19, Deut 7:9, Isa 55:11, Mal 3:6)

Bil 23:19 Hindi isang tao ang Diyos, na kailangan niyang magsinungaling, o isang tao, na kailangang magbago ang kaniyang isip. Nangako ba siya ng anumang bagay na hindi ito ginagawa? Nagsabi ba siyang gagawin niya ang isang bagay na hindi niya ito tinutupad?

Deut 7:9 Kaya kilalanin si Yahweh na inyong Diyos— siya ay Diyos, ang tapat na Diyos, na nagpapanatili ng mga tipan at katapatan sa isang libong salinlahi sa mga nagmamahal sa kaniya at nagpapanatili ng kaniyang mga utos,

Isa 55:11 gaya rin ng aking salita na lumalabas sa aking bibig: hindi ito babalik sa akin nang walang kabuluhan, pero tutuparin nito ang aking nais, at magtatagumpay kung saan ko ito ipinadala.

Mal 3:6 Sapagkat akong si Yahweh ay hindi nagbabago; kaya kayong mga tao ni Jacob ay hindi pa nalilipol.

Tinupad ng Diyos ang Kanyang pangako na iligtas tayo sa pamamagitan ng pagpapadala ng Kanyang Anak dito sa lupa. (Juan 3:16-17)

Juan 3:16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan. 17 Dahil hindi isinugo ng Diyos ang kaniyang Anak sa mundo para parusahan ang sangkatauhan, ngunit para ang mundo ay marapat na maligtas sa pamamagitan niya.

Tinutupad ng Diyos ang lahat ng kanyang mga pangako sa atin kay Kristo. (1 Cor 1:9, 1 Cor 10:13, 2 Cor 1:18, Heb 10:23)

1 Cor 1:9 Tapat ang Diyos na siyang tumawag sa inyo sa pakikipagtipon sa kaniyang Anak na si Jesu-Cristo na ating Panginoon.

1 Cor 10:13 Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.

2 Cor 1:18 Ngunit kung paanong ang Diyos ay tapat, hindi natin sasabihin ng sabay ang “Oo” at “Hindi.”

Heb 10:23 Panghawakan ding mabuti ang paghahayag ng ating pananalig ng walang pag-aalinlangan, sapagkat ang Diyos na siyang nangako ay tapat.