Jn 14:6, Jn 8:32, 1 Tim 2:4-6

Ang maraming pag-aaral ng Bibliya ay hindi umaakay sa kaalaman sa katotohanan. Dapat nating malaman na si Jesus ang Kristo sa pamamagitan ng Bibliya.

2 Tim 3:6 Sapagkat ilan sa kanila ay pumapasok sa mga bahay at nang-aakit ng mga mangmang na babae. Ang mga babaeng ito ay patong-patong ang mga kasalanan at natatangay ng iba't-ibang pagnanasa. 7 Ang mga babaeng ito ay palaging nag-aaral, ngunit kahit kailan wala silang kakayahang magkaroon ng pang-unawa sa katotohanan.

Jn 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.

Jn 8:32 at malalaman ninyo ang katotohan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.

1 Tim 2:4 Ninanais niya na ang lahat ng tao ay maligtas at magkaroon ng kaalaman tungkol sa katotohanan. 5 Sapagkat may iisang Diyos at iisang tagapamagitan sa Diyos at sa tao, ang taong si Cristo Jesus. 6 Ibinigay niya ang kaniyang sarili bilang katubusan sa lahat, bilang patotoo sa tamang panahon.