Heb 1:5 (Aw 2:7, 2 Sam 7:14), Heb 1:6 (1 Pt 3:22), Heb 1:7, Heb 1:8,9 (Aw 45:6), Heb 1: 10 ( Aw 102:25 ), Heb 1:11-12 ( Aw 102:26-27 ) Heb 1:13-14 ( Aw 110:1 )
Ipinaliwanag ng may-akda ng Hebreo kung gaano kataas ang Anak ng Diyos sa mga anghel.
Ang isang anghel ay hindi maaaring maging anak ng Diyos. Ngunit si Jesus ay ang Anak ng Diyos, at ang Diyos ang kanyang Ama. (Heb 1:5, Aw 2:7, 2 Sam 7:14)
Heb 1:5 Sapagkat sino sa mga anghel ang pinagsabihan niya kailanman ng, “Ikaw ay aking anak, ngayon ako ay naging iyong ama?” At muli, “Ako'y magiging ama sa kaniya, at siya ay magiging anak sa akin”?
Aw 2:7 Ihahayag ko ang kautusan ni Yahweh. Sinabi niya sa akin, “Ikaw ay aking anak! Ngayong araw, ako ay naging iyong ama.
2 Sam 7:14 Magiging isang ama ako sa kaniya, at magiging anak ko siya. Kapag magkasala siya, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga kalalakihan at may kasamang paghagupit sa mga anak ng tao.
Sinasamba ng lahat ng anghel ang Anak ng Diyos, si Jesus. ( Heb 1:6, 1 Pedro 3:22 )
Heb 1:6 Muli, nang isinugo ng Diyos ang panganay sa mundo, sinasabi niya, “ Lahat ng anghel ng Diyos ay kinakailangang sumamba sa kaniya.”
1 Pedro 3:22 Siya ay nasa kanang kamay ng Diyos. Nagpunta siya sa langit. Ang mga anghel, mga pamahalaanan, at ang mga kapangyarihan ay dapat magpasakop sa kaniya.
Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay gumagamit ng mga anghel bilang mga ministro. ( Heb 1:7, Aw 104:4 )
Heb 1:7 Tungkol sa mga anghel sinasabi niya, “Siya na ginagawang mga anghel niya na mga espiritu at ang kaniyang mga lingkod na mga lagablab ng apoy.”
Aw 104:4 Ginagawa niyang mensahero niya ang mga hangin, mga liyab ng apoy ay kanyang mga lingkod.
Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay natapos na ang gawain ni Kristo at namamahala sa lahat ng bagay. (Heb 1:8-9, Aw 45:6-7)
Heb 1:8 Ngunit tungkol sa Anak sinasabi niya, “Ang iyong trono, O Diyos, ay walang hanggan. Ang setro ng iyong kaharian ay setro ng katarungan. 9 Minahal mo ang katuwiran at kinasusuklaman ang kawalan ng pagsunod sa batas, kaya ang Diyos, na iyong Diyos ay nagbuhos sa iyo ng langis ng kagalakan nang higit sa iyong mga kasamahan.
Aw 45:6 Ang iyong trono, O Diyos, ay magpakailanpaman; ang setro ng katarungan ay setro ng iyong kaharian. 7 Minamahal mo ang matuwid at kinasusuklaman ang kasamaan; kaya O Diyos, ang iyong Diyos, ay hinirang ka sa pamamagitan ng langis ng kasayahan na higit sa iyong mga kasamahan.
Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ang gumawa ng lahat ng bagay. ( Heb 1:10, Aw 102:25 )
Heb 1:10 Noong simula, O Panginoon, inilagay mo ang pundasyon ng mundo. Ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay.
Aw 102:25 Nang mga sinaunang panahon inilagay mo sa lugar ang daigdig; ang kalangitan ay gawa ng iyong mga kamay.
Ang Anak ng Diyos, si Hesus ay walang hanggan. ( Heb 1:11-12, Aw 102:26-27 )
Heb 1:11 Ang mga ito ay mawawala, ngunit ikaw ay magpapatuloy. Silang lahat ay maluluma na parang kasuotan. 12 liligpitin mo sila katulad ng isang balabal, at mapapalitan sila katulad ng isang kasuotan. Ngunit ikaw ay mananatili ikaw at ang iyong mga taon ay hindi titigil.”
Aw 102:26 Mawawala sila, pero mananatili ka; tatanda silang lahat tulad ng isang damit; tulad ng pananamit, huhubarin mo sila, at maglalaho sila. 27 Pero wala kang pagbabago, at ang mga taon mo ay hindi magwawakas.
Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay nakaupo at naghahari sa kanan ng Diyos. Ang mga anghel ay gumagawa upang tulungan ang mga anak ng Diyos. ( Heb 1:13-14, Aw 110:1 )
Heb 1:13 Ngunit wala isa man sa mga anghel ang kaniyang pinagsabihan ng nito kahit kailan, “Maupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong tuntungan ng iyong mga paa”? 14 Hindi ba't ang lahat ng mga anghel ay espiritu na ipinadala upang maglingkod at pangalagaan ang mga taong magmamana ng kaligtasan?”
Aw 110:1 Sinabi ni Yahweh sa aking panginoon, “Umupo ka sa aking kanang kamay hanggang ang iyong mga kaaway ay gawin kong iyong tuntungan.”