Ex 34:29-35, 2 Cor 3:7,13-16
Si Moises ay tapat bilang pinuno ng mga tao ng Israel. Ngunit si Hesus ay tapat sa Diyos bilang ang lumikha at nagtatag ng bansang Israel. Kaya, siyempre, si Jesus, ang Kristo, ay mas mataas kaysa kay Moises. (Heb 3:2-6)
Heb 3:2 Siya ay tapat sa Diyos, na naghirang sa kaniya, katulad ng pagiging tapat ni Moises sa lahat ng sambahayan ng Diyos. 3 Sapagkat si Jesus ay itinuring na higit na karapat-dapat na maluwalhati kaysa kay Moises, dahil ang gumawa ng bahay ay higit na may karangalan kaysa sa bahay mismo. 4 Sapagkat ang bawat bahay ay itinayo ng isang tao, ngunit ang nagtayo ng lahat ng bagay ay ang Diyos. 5 Sa katunayan, si Moses ay isang tapat na lingkod sa lahat ng sambahayan ng Diyos, nagbibigay patotoo tungkol sa mga bagay na sinasabing magaganap sa hinaharap. 6 Ngunit si Cristo ang Anak na pinagkatiwalaan sa sambahayan ng Diyos. Tayo ang kaniyang bahay kung ating mahigpit na panghahawakan ang ating pananalig at kapurihan ng pananalig.
Tinakpan ni Moises ng isang belo ang nawawalang kaluwalhatian ng kanyang mukha. Gayunpaman, hindi pa rin nakikita ng mga Judio si Kristo Hesus, ang walang hanggang kaluwalhatian, dahil sa tabing ni Moises. ( Exo 34:29-35, 2 Cor 3:7,13-16 )
Exo 34:29 Nang makababa si Moises galing sa Bundok ng Sinai dala ang dalawang tipak ng mga utos ng tipan sa kaniyang kamay, hindi niya alam na ang balat ng kaniyang mukha ay lumiwanag habang nakikipag-usap siya sa Diyos. 30 Nang makita ni Aaron at ng mga Israelita si Moises, ang balat ng kaniyang mukha ay lumiliwanag, at natakot silang lumapit sa kaniya. 31 Pero tinawag sila ni Moises, at si Aaron at ang lahat ng pinuno sa komunidad ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos nakipag-usap si Moises sa kanila. 32 Pagkatapos nito, ang lahat ng mga tao sa Israel ay lumapit kay Moises, at sinabi niya sa kanila ang lahat ng utos na ibinigay ni Yahweh sa kaniya sa Bundok ng Sinai. 33 Nang natapos makipag-usap ni Moises sa kanila, naglagay siya ng takip sa kaniyang mukha. 34 Sa tuwing pupunta si Moises kay Yahweh para kausapin siya, inaalis niya ang takip. Pagkatapos ibabalik niya ang takip sa tuwing siya ay aalis. Lalabas siya sa kaniyang tolda at sasabihin sa mga Israelita kung ano ang mga naging tagubilin sa kaniya. 35 Nakita ng mga Israelita ang mukha ni Moises na nagliliwanag. Pagkatapos ilalagay niya muli ang takip sa kaniyang mukha hanggang sa bumalik siya sa loob para makipag-usap kay Yahweh.
2 Cor 3:7 Ngayon ang gawa ng kamatayan na nakaukit sa mga salita sa ibabaw ng bato ay dumating ng may kaluwalhatian na ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Moises. Dahil ito sa kaluwalhatiang mayroon sa kaniyang mukha, isang kaluwalhatian na naglalaho.
13 Hindi tayo tulad ni Moises, na naglagay ng takip sa kaniyang mukha, upang ang mga tao sa Israel ay hindi makatingin ng tuwid sa katapusan ng isang kaluwalhatian na naglalaho. 14 Ngunit ang kanilang mga isipan ay sarado. Kahit hanggang ngayon sa araw na ito, ang parehong takip sa mukha ay nanatili parin sa pagbasa ng lumang tipan. Hindi ito nabuksan, dahil tanging si Cristo lamang ang nakagawa nito. 15 Ngunit hanggang ngayon, sa tuwing si Moises ay mababasa isang takip ang tinataglay nila sa kanilang mga puso. 16 Ngunit kapag ang isang tao ay bumalik sa Panginoon, ang takip sa mukha ay matatanggal.