Mt 3:3, Isa 40:3, Mal 3:1, Mt 3:11, Jn 1:33-34, Mt 3:16, Isa 11:2, Mt 3:15, Jn 1:29, Mt 3: 17, Aw 2:7
Ang Lumang Tipan ay nagpropesiya na may isang taong maghahanda ng daan para kay Kristo. Ang taong iyon ay si Juan Bautista. (Mt 3:3, Isa 40:3, Mal 3:1)
Mat 3:3 Sapagkat siya ang binanggit ni propeta Isaias na nagsasabi, “Isang tinig ang sumisigaw mula sa ilang, 'Ihanda ang daan ng Panginoon, gawing matuwid ang kaniyang landas.'”
Isa 40:3 May isang tinig na sumisigaw, “ihanda ang daan ni Yahweh sa ilang; sa Araba, lumikha ng tuwid na daanan para sa ating Diyos.”
Mal 3:1 “Tingnan ninyo, malapit ko ng isugo ang aking mensahero at ihahanda niya ang daan sa harapan ko. At ang Panginoon na inyong hinahanap, ay biglang darating sa kaniyang templo; at ang mensahero ng tipan na iyong kinaluluguran, tingnan ninyo, dumarating siya,” sabi ni Yahweh ng mga hukbo.
Si Juan Bautista ay nagpropesiya na si Kristo ay magbabautismo sa Banal na Espiritu. ( Mat 3:11 )
Mat 3:11 Binabautismuhan ko kayo sa tubig para sa pagsisisi. Ngunit ang darating kasunod ko ay mas makapangyarihan kaysa sa akin at ako ay hindi karapat-dapat na magdala maging sa kaniyang sandalyas. Babautismuhan niya kayo sa Banal na Espiritu at sa apoy.
Gayundin, si Juan Bautista ay nagpatotoo na ang isa kung kanino ang Banal na Espiritu ay dumating nang siya ay nagbinyag ay si Kristo. Inihula sa Lumang Tipan na ang Banal na Espiritu ay darating kay Kristo. (Jn 1:33-34, Mt 3:16, Isa 11:2, Is 42:1)
Jn 1:33 Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.' 34 Pareho kong nakita at napatotohanan na ito ang Anak ng Diyos.
Mat 3:16 Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya.
Isa 11:2 Mapapasakanya ang espiritu ni Yahweh, espiritu ng karunungan at pang-unawa, espiritu ng paggabay at kapangyarihan, ang espiritu ng kaalaman at takot kay Yahweh.
Isa 42:1 Masdan, aking lingkod, na aking itinataas; ang aking pinili, sa kaniya ako ay nagagalak. Ang aking Espiritu ay nasa kaniya; siya ang magdudulot ng katarungan sa mga bansa.
Nang bautismuhan ni Juan Bautista si Kristo, ang lahat ng kasalanan ng mundo ay naipasa sa Kanya. ( Mat 3:15, Jn 1:29 )
Mat 3:15 Tumugon si Jesus at sinabi sa kaniya, “Pahintulutan mo ito ngayon sapagkat ito ang nararapat upang matupad natin ang lahat ng katuwiran.” Kaya pinahintulutan siya ni Juan.
Jn 1:29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
Pinatunayan ng Diyos sa pamamagitan ng salita na si Jesus ay ang Anak ng Diyos na tutuparin ang gawain ni Kristo. ( Mat 3:17, Gawa 2:7 )
Mat 3:17 Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”
Gawa 2:7 Nagtaka sila at labis na namangha; sinabi nila, “Totoo ba, hindi ba at ang lahat ng mga nagsasalitang ito ay mga taga-Galilea?