Exo 25:9,40, Exo 26:30, Exo 27:8, Gawa 7:44, Heb 9:23-26, Heb 10:1

Nakita ni Moises ang nasa langit at itinayo niya ang tabernakulo. (Heb 8:1-5, Exo 25:9,40, Exo 26:30, Exo 27:8, Gawa 7:44)

Heb 8:1 Ngayon, ito ang paksa ng aming sinasabi, mayroon tayong isang pinaka-punong pari na nakaupo sa kanang kamay ng trono ng Kamahalan sa kalangitan. 2 Isa siyang lingkod sa lugar na banal, ang tunay na tabernakulo na itinayo ng Panginoon, hindi ng sinumang tao. 3 Sapagkat itinalaga ang bawat pinaka-punong pari upang mag-alay ng mga kaloob at mga handog, kaya kinakailangan na may isang bagay na ialay. 4 Ngayon kung si Cristo ay nasa lupa, hindi na siya magiging pari pa, yamang mayroon nang mga nag-aalay ng mga handog ayon sa kautusan. 5 Naglilingkod sila sa isang bagay na huwaran at anino ng mga bagay na makalangit, kagaya na lamang ng babala ng Diyos kay Moises noong itatayo na niya ang tabernakulo, “Tingnan mo,” sinabi ng Diyos, na gagawin mo ang lahat ayon sa batayan na ipinakita sa iyo doon sa bundok.”

Ex 25:9 Dapat ninyong gawin ito ng ganap habang ipinapakita ko sa iyo ang mga plano para sa tabernakulo at sa lahat nitong kagamitan.
40 Siguraduhin na gagawin sila mula sa modelo na ipinapakita sa inyo sa ibabaw ng bundok.

Ex 26:30 Dapat mong itayo ang tabernakulo sa pamamagitan ng pagsunod sa plano na pinakita sa iyo sa bundok.

Ex 27:8 Dapat mong gawin ang altar na may guwang, na yari sa mga makapal na tabla. Dapat mong gawin ito sa paraan na ipinakita sa iyo sa bundok.

Gawa 7:44 Ang ating mga ninuno ay mayroong tabernakulo ng patotoo sa ilang, tulad ng iniutos ng Diyos noong siya ay nagsalita kay Moises, na kailangan niyang gawin ito na kagaya ng anyo na nakita niya.

Hindi tayo mabubuo sa pamamagitan ng mga sakripisyo sa pamamagitan ng tabernakulo sa lupa. (Heb 10:1)

Heb 10:1 Sapagkat ang kautusan ay isang anino lamang ng mga mabubuting bagay na darating, hindi ng mga katotohanan. Hindi magagawang ganap ng kautusan ang mga lumalapit sa Diyos batay sa paraan ng parehong mga alay na inihahandog ng mga pari taun-taon.

Sa tabernakulo sa lupa, ang mga tao ay dapat linisin ng dugo ng mga hayop. Ngunit upang makapasok sa tabernakulo sa langit, kailangan nating linisin sa pamamagitan ng dugo ni Kristo na Punong Saserdote. Ginawa tayo ni Kristo na buo sa pamamagitan ng pag-aalay ng Kanyang sarili bilang isang sakripisyo minsan para sa lahat. ( Heb 9:23-26 )

Heb 9:23 amakatwid kinakailangan nga na ang mga bagay na kahalintulad nang nasa langit ay dapat na malinis nitong mga hayop na handog. Gayunman, dapat na linisin ng mas mabuting handog ang mga bagay na panlangit. 24 Sapagkat hindi pumasok si Cristo sa kabanal-banalang lugar na gawa ng mga kamay, na kahalintulad lamang ng tunay. Sa halip, pumasok siya sa langit mismo, na ngayon ay nasa harapan ng Diyos para sa atin. 25 Hindi siya nagpunta doon upang madalas na ihandog ang kaniyang sarili, katulad ng ginagawa ng pinakapunong pari, na pumapasok sa kabanal-banalang lugar taun-taon na may dalang dugo. 26 Kung iyan ay totoo, kakailanganin niyang maghirap ng maraming ulit mula pa ng likhain ang mundo. Ngunit ngayon minsan na lamang siyang naipahayag hanggang sa katapusan ng panahon upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kaniyang sarili.