Heb 10:19-20, Jn 14:6, Mt 27:50-51, Mc 15:37-38, Lc 23:45-46

Heb 9:8 Ipinapakita ng Banal na Espiritu na ang daan patungo sa kabanal-banalang lugar ay hindi pa ipinapahayag habang nananatili pang nakatayo ang unang tabernakulo.

Sa pagpunit ng lambong, na siyang kanyang katawan, at pagkumpleto ng gawain ni Kristo, binuksan ni Jesus ang daan patungo sa santuwaryo. (Heb 10:19, Mt 27:50-51, Mc 15:37-38, Lc 23:45-46, Jn 14:6)

Heb 10:19 Kaya naman, mga kapatid, may pananalig tayong makakapasok sa kabanal-banalang lugar sa pamamagitan ng dugo ni Jesus.

Mt 27:50 Pagkatapos nito muling sumigaw si Jesus na may malakas na tinig at isinuko ang kaniyang espiritu. 51 Masdan ito, ang kurtina sa templo ay nahati sa dalawa mula itaas hanggang sa baba. At ang mundo ay nayanig, at ang mga bato ay nahati.

Marcos 15:37 Pagkatapos ay sumigaw si Jesus ng may malakas na boses at namatay. 38 Napunit sa dalawa ang kurtina ng templo mula itaas hanggang ibaba.

Lucas 23:45 habang nagdidilim ang araw. Pagkatapos, nahati sa gitna ang kurtina ng templo. 46 At si Jesus, na may malakas na tinig ay nagsabi, “Ama, ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu sa iyong mga kamay.” Pagkasabi niya nito, siya ay namatay.

Jn 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.