Lev 10:1-2, Isa 63:10, Jn 16:7-9, Rom 2:8, Rev 21:8
Sa Lumang Tipan, ang mga hindi sumunod sa batas ni Moises ay namatay. ( Lev 10:1 , Isa 63:10 )
Lev 10:1 Kumuha ng kani-kaniyang insensaryo sina Nadab at Abihu na mga anak ni Aaron, nilagyan ito ng apoy at saka insenso. Pagkatapos naghandog sila ng hindi karapat-dapat na apoy sa harapan ni Yahweh na hindi niya iniutos sa kanila na ihandog.
Isa 63:10 Pero sila ay nagrebelde at pinighati ang kanyang Banal na Espiritu. Kaya siya ay naging kaaway nila at nakipaglaban sa kanila.
Si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay nagbuhos ng Kanyang dugo upang pabanalin tayo, at ang mga hindi naniniwala dito ay mabigat na parurusahan. ( Heb 10:28-29 )
Heb 10:28 Sinuman na lumabag sa kautusan ni Moises ay mamamatay ng walang awa sa patunay ng dalawa o tatlong saksi. 29 Gaano pa kaya kabigat na parusa sa akala ninyo ang nararapat sa taong yumurak sa Anak ng Diyos, sinumang magturing sa dugo ng tipan na hindi banal, ang dugo na kaniyang inihandog sa Diyos—sinuman na humamak sa Biyaya ng Espiritu
Darating ang Espiritu Santo at sasawayin ang mga hindi naniniwala na si Jesus ang Kristo. (Juan 16:7, Rom 2:8)
Juan 16:7 Gayunpaman, sinasabi ko sa inyo ang katotohanan: makabubuti sa inyo na ako ay lumisan; dahil kung hindi ako lilisan; hindi darating sa inyo ang Manga-aliw, subalit kung ako ay lilisan, susuguin ko siya sa inyo.
Rom 2:8 Ngunit para sa mga makasarili, mga taong hindi sumusunod sa katotohanan ngunit sumusunod sa kalikuan, darating ang matinding galit at poot.
Ang mga hindi naniniwala na si Hesus ang Kristo ay mapupunta sa Impiyerno. (Pahayag 21:8)
Pahayag 21:8 Pero para sa mga duwag, sa walang pananampalataya, sa mga kasuklam-suklam, sa mga mamamatay-tao, sa mga sekswal na imoralidad, sa mga mangkukulam, mga sumasamba sa diyus-diyosan, at sa mga sinungaling, ang kanilang lugar ay sa dagat-dagatang apoy ng nagniningas na asupre. Na siyang ikalawang kamatayan.