Aw 102:26-27, Mal 3:6, Isa 44:6, Apoc 22:13
Ang Diyos ay pareho magpakailanman. (Aw 102:26-27, Isa 44:6, Mal 3:6, Pahayag 22:13)
Aw 102:26 Mawawala sila, pero mananatili ka; tatanda silang lahat tulad ng isang damit; tulad ng pananamit, huhubarin mo sila, at maglalaho sila. 27 Pero wala kang pagbabago, at ang mga taon mo ay hindi magwawakas.
Isa 44:6 Ito ang sinasabi ni Yahweh - ang Hari ng Israel at kaniyang Manunubos, Yahweh ng mga hukbo: “Ako ang una, at ako ang huli; walang ibang Diyos kundi ako.
Mal 3:6 Sapagkat akong si Yahweh ay hindi nagbabago; kaya kayong mga tao ni Jacob ay hindi pa nalilipol.
Pahayag 22:13 Ako ang Alpa at ang Omega, ang Una at ang Huli, ang Simula at ang Katapusan.
Si Hesus ay walang hanggang kapareho ng Diyos. (Heb 13:8, Pahayag 1:17-18, Pahayag 2:8)
Heb 13:8 Si Jesu- Cristo ay hindi nagbabago kahapon, ngayon at magpakaylan man.
Pahayag 1:17 Nang makita ko siya, ako ay bumagsak sa kaniyang paanan tulad ng isang lalaking patay. Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa akin at sinabi, “Huwag kang matakot. Ako ang Una at ang Huli, 18 at ang isa na nabubuhay. Ako ay namatay, pero tingnan mo, ako ay buhay magpakailanman! At nasa akin ang mga susi ng kamatayan at ng hades.
Pahayag 2:8 Sa anghel ng iglesia ng Smirna isulat: 'Ito ang mga salita ng isa na siyang una at ang huli—siyang namatay at siyang muling nabuhay:'