1 Cor 10:13, 1 Pt 1:5-6, Ecc 1:10, 2 Cor 5:17

Hinahayaan tayo ng Diyos na masubok upang tayo ay maging buo. ( Santiago 1:2-4; 1 Corinto 10:13 )

Santiago 1:2 Ituring ninyong kagalakan ito mga kapatid, kung nakakaranas kayo ng ibat-ibang kaguluhan, 3 dahil nalalaman ninyo na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay nagdudulot ng pagtitiis. 4 Hayaan ang pagtitiis na tapusin ang kaniyang gawa, upang kayo ay ganap na lumago, na walang kakulangan.

1 Corinto 10:13 Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.

Pinoprotektahan din tayo ng Diyos kapag tayo ay tinutukso dahil naniniwala tayo kay Jesus bilang ang Kristo. (1 Pedro 1:5)

1 Pedro 1:5 Sa kapangyarihan ng Diyos kayo ay iniingatan sa pamamagitan ng pananampalataya para sa kaligtasan na nakahandang maihayag sa huling panahon.

Hinahayaan tayo ng Diyos na matukso na makilala si Kristo araw-araw. Si Kristo ang Salita ng Diyos at ang tinapay ng ating buhay. (Deuteronomio 8:3, Juan 1:14, Juan 6:48)

Deuteronomio 8:3 Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.

Juan 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.

Juan 6:48 Ako ang tinapay ng buhay.