2 Tim 3:16, 2 Pedro 1:21, 2 Sam 23:2, 2 Tim 3:15, Jn 20:31
Ang mga propeta sa Lumang Tipan, sa tulong ng Banal na Espiritu, ay sumulat ng Bibliya para sa atin. (1 Pedro 1:12, 2 Tim 3:16, 2 Pedro 1:21, 2 Sam 23:2)
1 Pedro 1:12 Naihayag sa mga propeta na naglilingkod sila sa mga bagay na ito, hindi para sa kanilang sarili, kung hindi para sa inyo— ang pagsasabi ng mga bagay na ito sa pamamagitan ng mga nagdadala ng ebanghelyo sa inyo sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na isinugo mula sa langit, mga bagay na ninanais maipahayag maging ng mga anghel.
2 Tim 3:16 Lahat ng kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Ito ay mapapakinabangan sa pangangaral, sa pagsaway, pagtatama sa mali, at pagsasanay sa katuwiran.
2 Pedro 1:21 Sapagkat walang anumang propesiya ang nagmula sa kalooban ng tao, kundi sa pamamagitan ng tao, sa ilalim ng Banal na Espiritu na siyang nagsalita mula sa Diyos.
2 Sam 23:2 “Nangusap sa pamamagitan ko ang Espiritu ni Yahweh at nasa aking dila ang kaniyang salita.
Ipinaliwanag ng Bibliya na ang mga tao ay naliligtas sa pamamagitan ng paniniwala kay Jesus bilang ang Kristo. ( 2 Tim 3:15, Jn 20:31 )
2 Tim 3:15 Alam mo na mula sa iyong kabataan nalaman mo na ang sagradong kasulatan. Ang mga ito ang nagbibigay karunungan sa iyo para sa kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus.
Jn 20:31 ngunit naisulat ang mga ito upang kayo ay maniwala na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang habang kayo ay naniniwala, kayo ay magkakaroon ng buhay sa kaniyang pangalan.