Mt 6:9 (Isa 63:16), Mt 6:10 (Gawa 1:3,8, Mt 28:19, Mt 24:14), Mt 6:11 (Prov 30:8, Jn 6:32,35) ) Mt 6:12 (Mt 18:24,27,33), Mt 6:13 (Jn 17:15, 1 Cor 10:13, Dan 3:18, Esther 4:16)
Ang Diyos ang ating Ama. Sambahin nawa ang pangalan ng Diyos. ( Mat 6:9, Isa 63:16 )
Mat 6:9 Kaya manalangin kayo ng katulad nito: 'Ama naming nasa langit, gawing banal ang iyong pangalan.
Isa 63:16 Dahil ikaw ay aming ama, kahit hindi kami kilala ni Abraham at hindi kinikilala ng Israel, ikaw, Yahweh, ang aming ama. 'Aming Manunubos' ang naging pangalan mo mula pa noong sinaunang panahon.
Ang kalooban ng Diyos ay maniwala kay Kristo, na sinugo ng Diyos. Nawa'y maipangaral ang ebanghelyo ni Kristo sa buong mundo. (Mt 6:10, Jn 6:29, Gawa 1:3,8, Mt 28:19)
Mt 6:10 Pumarito ang inyong kaharian, mangyari ang iyong kalooban, dito sa lupa katulad ng sa langit.
Jn 6:29 Sumagot si Jesus, “Ito ay ang gawa ng Diyos: na kayo ay sumampalataya sa kaniyang isinugo.
Gawa 1:3 Pagkatapos ng kaniyang paghihirap, iniharap niyang buhay ang kaniyang sarili sa kanila kasama ang marami pang mga kapani-paniwalang katibayan. Sa loob ng apatnapung araw, nagpakita siya sa kanila at nagsalita siya tungkol sa kaharian ng Diyos.
8 Ngunit makakatanggap kayo ng kapangyarihan, kapag sumainyo ang Banal na Espiritu at kayo ay magiging saksi ko sa Jerusalem at sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa mga dulo ng mundo.''
Mt 28:19 Humayo kayo at gawing mga alagad ang lahat ng mga bansa. Bautismuhan sila sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Banal na Espiritu.
Bigyan mo kami ng pang-araw-araw na tinapay at ipaalam sa amin si Kristo, ang tinapay ng buhay araw-araw. (Mt 6:11, Kaw 30:8, Jn 6:32-35)
Mt 6:11 Bigyan mo kami ngayon ng aming pang araw-araw na pagkain.
Kaw 30:8 Ilayo mo sa akin ang kayabangan at kasinungalingan. Bigyan mo ako ng hindi kahirapan ni kayamanan, bigyan mo lamang ako ng pagkain na aking kailangan.
Jn 6:32 Pagkatapos, sumagot si Jesus sa kanila, “Tunay nga, hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay mula sa langit, ngunit ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay mula sa langit. 33 Sapagkat ang tinapay ng Diyos ay nanggagaling mula sa langit at nagbibigay buhay sa mundo. 34 Kaya sinabi nila sa kaniya, “Ginoo, lagi mo kaming bigyan ng tinapay na ito.” 35 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Ako ang tinapay ng buhay, ang lalapit sa akin ay hindi magugutom at ang sumampalataya sa akin ay hindi mauuhaw kailanman.
Dahil pinatawad na ng Diyos ang ating mga kasalanan, patawarin din natin ang mga kasalanan ng iba. ( Mat 6:12, Mat 18:24,27,33 )
Mat 6:12 Patawarin mo kami sa aming mga pagkakautang katulad din ng pagpapatawad namin sa mga nagkautang sa amin.
Mat 18:24 Habang inuumpisahan ang pagsusulit, isang utusan ang dinala sa kaniya na nagkautang ng sampung libong mga talento.
27 Kaya nahabag ang amo sa kaniyang utusan, pinakawalan siya at pinatawad ang kaniyang utang.
33 Hindi ba dapat naawa ka din sa iyong kapwa utusan, gaya ng pagkahabag ko sa iyo?
Tulungan mo akong huwag itanggi ang Diyos kahit na dumating ang tukso. (Mt 6:13, Jn 17:15, 1 Cor 10:13, Dan 3:18, Est 4:16)
Mt 6:13 At huwag mo kaming dalhin sa tukso, ngunit iligtas mo mula sa masama.
Jn 17:15 Hindi ko ipinapanalangin na dapat mo silang kunin mula sa mundo ngunit sila ay dapat mong pangalagaan mula sa kaniya na masama.
1 Cor 10:13 Walang tukso ang dumating sa inyo na hindi pangkaraniwan sa lahat ng tao. Sa halip, tapat ang Diyos. Hindi kayo hahayaan ng Diyos na matukso ng higit sa inyong kakayanan. Sa pamamagitan ng tukso ay siya din ang magbibigay ng paraan para makatakas, upang inyo ngang makayanan ang mga ito.
Dan 3:18 Ngunit kung hindi man, nais naming malaman mo ito, o hari, na hindi kami sasamba sa iyong mga diyos at hindi kami magpatirapa sa gintong imahen na iyong ipinatayo.”
Est 4:16 “Pumunta ka, tipunin mo ang lahat ng mga Judio na naninirahan sa Susa, at mag-ayuno kayo para sa akin. Huwag kayong kumain o uminom ng tatlong araw, gabi o araw. Ako at ang aking mga kabataang babae ay mag-aayuno sa parehong paraan. Pagkatapos pupunta ako sa hari, kahit na labag ito sa batas. At kung ako ay mamatay, ako ay mamamatay.”