Mt 7:21, Jn 6:40, 1 Jn 5:1, Jn 5:39, Jn 20:31, Jn 3:16

Ang mga gumagawa lamang ng kalooban ng Ama ang makakapasok sa kaharian ng langit. Ibig sabihin, ang mga naniniwala lamang kay Jesus bilang ang Kristo ang makakapasok sa kaharian ng langit. (Mt 7:21, Jn 6:40, 1 Jn 5:1)

Mt 7:21 Hindi lahat ng nagsasabi sa akin, 'Panginoon, Panginoon,' ay makakapasok sa kaharian ng langit, kundi ang gumagawa lamang sa kagustuhan ng aking Amang nasa langit.

Jn 6:40 Dahil ito ang kalooban ng aking Ama, na bawat isa na nakakakita sa Anak at sumampalataya sa kaniya ay magkakaroon ng buhay na walang hanggan at bubuhayin ko siya sa huling araw.

1 Jn 5:1 Kung sinuman ang naniniwala na si Jesus ay ang Cristo na ipinanganak sa Diyos. At kung sinuman ang nagmamahal sa kanya na nagmula sa Ama ay minamahal din ang kanyang mga anak.

Ibinigay sa atin ng Diyos ang Luma at Bagong Tipan upang tayo ay maniwala na si Hesus ang Kristo. (Jn 5:39, Jn 20:31)

Jn 5:39 Sinaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat akala ninyo na sa mga ito ay mayroon na kayong buhay na walang hanggan, at ang mga kasulatan ding ito ay nagpatotoo tungkol sa akin,

Jn 20:31 ngunit naisulat ang mga ito upang kayo ay maniwala na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang habang kayo ay naniniwala, kayo ay magkakaroon ng buhay sa kaniyang pangalan.

Upang iligtas tayo, ipinadala ng Diyos ang Kanyang bugtong na anak sa mundong ito upang gawin ang gawain ni Kristo, at nagbigay Siya ng buhay na walang hanggan sa mga naniniwala rito. (Juan 3:16)

Juan 3:16 Dahil labis na inibig ng Diyos ang sangkatauhan, ibinigay niya ang kaniyang natatangi at nag-iisang Anak upang ang sinumang manalig sa kaniya ay hindi mamatay ngunit magkakaroon ng buhay na walang hanggan.