2 Pedro 1:2, Phil 3:8, Jn 17:3, Jn 20:31, 1 Cor 1:24, Eph 1:10, Eph 3:8, Col 1:27, Col 2:2
Dapat tayong lumago sa kaalaman tungkol kay Kristo. Habang mas nakikilala natin si Kristo, mas marami tayong biyaya at kapayapaan. ( 2 Pedro 3:18, 2 Pedro 1:2 )
2 Pedro 3:18 Ngunit, lumago kayo sa biyaya at kaalaman ng ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesu-Cristo. Sa kaniya ang kaluwalhatian ngayon at magpakailanman. Amen!
2 Pedro 1:2 Ang biyaya nawa ay sumainyo; nawa ang kapayapaan ay lumago sa pamamagitan ng kaalaman ng Diyos at ng ating Panginoong Jesus.
Ang makilala si Jesucristo ay buhay na walang hanggan at ang pinakamataas na kaalaman. Si Kristo ang kapangyarihan, karunungan, at misteryo ng Diyos. (Juan 20:31, Juan 17:3, Filipos 3:8, 1 Corinto 1:24, Col 2:2)
Juan 20:31 ngunit naisulat ang mga ito upang kayo ay maniwala na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Diyos, at upang habang kayo ay naniniwala, kayo ay magkakaroon ng buhay sa kaniyang pangalan.
Juan 17:3 Ito ang buhay na walang hanggan: na ikaw ay dapat nilang makilala, ang nag-iisang tunay na Diyos, at ang isinugo mong si Jesu-Cristo.
Filipos 3:8 Sa katunayan, ngayon ay itinuring ko ang lahat ng bagay na walang kabuluhan dahil sa kahusayan ng kaalaman ni Cristo Jesus na aking Panginoon. Binalewala ko ang lahat ng bagay para sa kaniya. Itinuring kong gaya ng mga basura ang mga ito upang makamtan ko si Cristo
1 Corinto 1:24 Ngunit sa lahat ng mga tinawag ng Diyos, maging Judio at Griyego, ipinapangaral namin na si Cristo ang kapangyarihan at ang karunungan ng Diyos.
Col 2:2 Gumagawa ako upang mapalakas ko ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagmamahal at sa lahat ng kayamanan ng buong katiyakan ng pang-unawa, sa kaalaman tungkol sa lihim na katotohanan ng Diyos, na si Cristo.
Ang lahat ay nagkakaisa kay Kristo. ( Efeso 1:10 )
Efeso 1:10 Kapag naganap na ang panahon para sa kaniyang kalooban, sama-samang dadalhin ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa langit at sa lupa kay Cristo.
Dapat nating dalhin ang misteryong ito ni Kristo sa mga Hentil. ( Efe 3:8, Colosas 1:27 )
Efe 3:8 Ibinigay ng Diyos ang kaloob na ito sa akin, kahit na ako ang pinakahamak sa mga pinili ng Diyos. Ang kaloob na ito ay dapat kong ipahayag sa mga Gentil ang ebanghelyo ng hindi masukat na kayamanan ni Cristo.
Colosas 1:27 Ito ay para sa kanila na nais ng Diyos na makaalam kung ano ang mga kayamanan ng maluwalhating lihim na ito ng katotohanan sa mga Gentil. Ito ay si Cristo na nasa inyo, ang pagtitiwala ng kaluwalhatian sa hinaharap.