Aw 107:29-30
Sinasabi ng Lumang Tipan na ang Diyos ang nagpakalma sa bagyo at nag-aakay sa atin sa daungan. ( Aw 107:29-30 )
Aw 107:29 Pinayapa niya ang bagyo at pinatahimik ang mga alon. 30 Nagdiwang sila dahil kumalma ang dagat at dinala niya sila sa nais nilang daungan.
Pinakalma din ni Jesus ang bagyo. Ito ay isang himala na nagpapakita na si Jesus ay ang Anak ng Diyos. ( Mat 8:24-27 )
Mat 8:24 Masdan ito, nagkaroon ng isang malakas na bagyo sa dagat kaya natabunan ng mga alon ang bangka. Ngunit natutulog si Jesus. 25 Pumunta sa kaniya ang kaniyang mga alagad at siya ay ginising nila na nagsasabi, “Iligtas mo tayo, Panginoon, mamamatay na tayo!” 26 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Bakit kayo natatakot, kayong maliit ang pananampalataya?” At bumangon si Jesus at sinaway ang mga hangin at ang dagat. At nagkaroon ng labis na katahimikan. 27 Namangha ang mga lalaki at sinabi nila, “Anong uring tao ito, maging ang dagat at hangin ay sumusunod sa kaniya?”