Mt 3:16-17, Jn 1:33, Jn 19:30, Heb 9:14
Ang Diyos at ang Espiritu Santo ay nagpapatotoo na si Jesus ang Cristo. (1 Juan 5:6-8, Mateo 3:16-17, Juan 1:33)
1 Juan 5:6 Ito ang siya na dumating sa pamamagitan ng tubig at dugo-Jesu-Cristo. Siya ay dumating hindi lamang sa pamamagitan ng tubig, kundi sa pamamagitan ng tubig at dugo. 7 Sapagkat mayroong tatlo na siyang nagpapatunay 8 ang Espiritu, ang tubig at ang dugo. Ang tatlong ito ay nagkakasundo.
Mateo 3:16 Pagkatapos niyang mabautismuhan, agad umahon si Jesus sa tubig, at masdan ito, bumukas ang mga langit sa kaniya. Nakita niya ang pagbaba ng Espiritu ng Diyos na parang kalapati na dumapo sa kaniya. 17 Masdan ito, may isang tinig na mula sa mga langit na nagsasabi, “Ito ang pinakamamahal kong Anak. Lubos akong nalulugod sa kaniya.”
Juan 1:33 Hindi ko siya nakilala, ngunit ang sabi sa akin ng nagsugo sa akin na magbautismo sa tubig, 'Kung kanino mo makikita ang Espiritu na bumababa at nananatili, siya ang magbabautismo ng Banal na Espiritu.'
Ginawa ni Hesus ang gawain ni Kristo sa pamamagitan ng pagbuhos ng Kanyang dugo sa krus upang patawarin ang ating mga kasalanan. (Juan 19:30, Hebreo 9:14)
Juan 19:30 Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.
Hebreo 9:14 gaano pa kaya ang dugo ni Cristo, na sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay ang kaniyang sarili na walang dungis sa Diyos, na luminis sa ating budhi mula sa mga gawang patay upang makapaglingkod sa Diyos na buhay?