Pahayag 19:11, Mt 26:39,42, Lc 22:42, Mc 14:36, Jn 19:30
Matapat na tinupad ni Jesus ang gawain ni Kristo na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. ( Pahayag 1:5, Pahayag 19:11 )
Pahayag 1:5 at mula kay Jesu-Cristo, siyang matapat na saksi, ang panganay sa mga patay, at ang tagapamahala ng mga hari sa mundo. Sa kaniya na umiibig sa atin, at nagpalaya sa atin mula sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang dugo,
Pahayag 19:11 Pagkatapos nakita ko ang langit na bumukas, at nakita ko roon ang isang puting kabayo. Ang nakasakay dito ay tinatawag na Tapat at Totoo. Humahatol siya ng may katuwiran at nakikipagdigma siya.
Ang gawaing ipinagkatiwala ng Diyos kay Hesus ay upang tapusin ang gawain ni Kristo sa pamamagitan ng pagkamatay sa krus. ( Mateo 26:39, 42, Lucas 22:42, Marcos 14:36 )
Mateo 26:39 Lumakad siya nga medyo malayo, at siya'y nagpatirapa, at nanalangin. Sinabi nya, “Aking Ama, kung maaari, hayaan na ang tasang ito ay lalampas sa akin. Gayunman, hindi sa nais ko kundi ayon sa nais mo.”
42 Umalis siya sa pangalawang pagkakataon at nanalangin, at nagsabi, “Aking Ama, kung hindi ito maaring lilipas maliban na inumin ko ito, ang kalooban mo ang magaganap.”
Lucas 22:42 sinasabi, “Ama, kung nais mo, alisin mo sa akin ang tasang ito. Gayunman, hindi ang kalooban ko, kundi ang kalooban mo ang mangyari.”
Marcos 14:36 Sinabi niya, “Abba, Ama, kaya mong gawin ang lahat. Alisin mo ang tasang ito sa akin. Ngunit hindi ang aking kalooban, kundi ang iyong kalooban.”
Matapat na tinupad ni Jesus ang gawain ni Kristo na ipinagkatiwala sa kanya ng Diyos. (Juan 19:30)
Juan 19:30 Nang matanggap ni Jesus ang maasim na alak, sinabi niya, “Naganap na.” Iniyuko niya ang kaniyang ulo at isinuko ang kaniyang espiritu.