Pahayag 5:13, Pahayag 12:10, Awit 3:8, Isa 43:11, Jer 3:23, Hos 13:4, Pahayag 19:1
Ang kaligtasan ay nasa Diyos lamang. (Isa 43:11, Awit 3:8, Jer 3:23, Hos 13:4, Pahayag 19:1)
Isa 43:11 Ako, Ako ay si Yahweh, at wala nang ibang tagapagligtas maliban sa akin.
Awit 3:8 Ang kaligtasan ay nanggagaling kay Yahweh. Nawa makamit ang iyong mga pagpapala ng iyong bayan. Selah
Jer 3:23 Kasinungalingan lamang ang nagmumula sa mga burol, mula sa mga kabundukan. Tiyak na ang kaligtasan ng Israel ay na kay Yahweh lamang na ating Diyos.
Hos 13:4 Ngunit ako si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Egipto. Wala kang dapat kilalaning Diyos kundi ako; dapat ninyong kilalanin na liban sa akin, wala nang ibang tagapagligtas.
Pahayag 19:1 Pagkatapos ng mga bagay na ito narinig ko ang tunog tulad ng isang malakas na tinig ng malaking bilang ng mga tao sa langit na sinasabing, “Aleluya. Kaligtasan, kaluwalhatian, at kapangyarihan ay kabilang para sa ating Diyos.
Si Jesucristo ang tanging paraan ng kaligtasan ng Diyos. (Pahayag 7:10, Pahayag 12:10, Juan 14:6)
Pahayag 7:10 at sila ay sumisigaw ng may malakas na tinig: “Ang kaligtasan ay pagmamay-ari ng ating Diyos, siya na nakaupo sa trono, at ng Kordero!”
Pahayag 12:10 Pagkatapos narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, “Ngayon narito na ang kaligtasan, ang kapangyarihan — at ang kaharian ng ating Diyos, at ang kapangyarihan ng kaniyang Cristo. Dahil ang taga-paratang ng ating mga kapatid ay naitapon na pababa — siyang nagparatang sa kanila araw at gabi sa harap ng ating Diyos.
Juan 14:6 Sabi ni Jesus sa kaniya, “Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay; walang sinuman ang makararating sa Ama maliban sa pamamagitan ko.