Jer 7:25-26 Jer 25:4 Dan 9:6 Heb 1:1, Lc 24:25-27,44-47

Ipinangaral ng Diyos ang ebanghelyo, iyon ay, ang darating na Kristo, sa pamamagitan ng kanyang mga propeta. (Jeremias 7:25-26, Jer 25:4, Dan 9:6, Hebreo 1:1)

Jeremias 7:25 Simula pa noong araw na lumabas sa lupain ng Egipto ang inyong mga ninuno hanggang sa araw na ito, ipinadala ko sa inyo ang lahat ng aking mga lingkod at mga propeta. Nagtiyaga akong ipadala sila. 26 Ngunit hindi sila nakinig sa akin. Hindi nila binigyan ng pansin. Sa halip, pinatigas nila ang kanilang mga leeg. Mas masama sila kaysa sa kanilang mga ninuno.'

Jer 25:4 Isinugo ni Yahweh ang lahat ng kaniyang mga lingkod na mga propeta sa inyo. Masigasig silang humayo, ngunit hindi kayo nakinig o nagbigay-pansin.

Dan 9:6 Hindi kami nakinig sa iyong mga lingkod na propetang nagsalita sa iyong pangalan sa aming mga hari, sa aming mga pinuno, sa aming mga ninuno at sa lahat ng tao sa lupain.

Hebreo 1:1 Noon unang panahon, nakipag-usap ang Diyos sa ating mga ninuno sa pamamagitan ng mga propeta ng maraming beses at sa iba't-ibang paraan.

Ang mga propeta ng Diyos ay nagpahayag ng darating na Kristo. Na si Kristo ay si Hesus. ( Pahayag 10:7, Lucas 24:25-27, 44-47 )

Pahayag 10:7 Pero sa araw kung kailan ang ika-pitong anghel ay malapit nang hipan ang kaniyang trumpeta, pagkatapos ang hiwaga ng Diyos ay naganap na, gaya ng kaniyang ipinahayag sa kaniyang mga lingkod na mga propheta.”

Lucas 24:25 Sinabi ni Jesus sa kanila, “O mga lalaking hangal at makukupad ang puso na maniwala sa lahat ng sinabi ng mga propeta! 26 Hindi ba kinakailangang si Cristo ay magdusa ng ganitong mga bagay, at pumasok sa kaniyang kaluwalhatian?” 27 At magmula kay Moises at sa lahat ng propeta, ipinaliwanag ni Jesus sa kanila ang mga bagay tungkol sa kaniyang sarili sa lahat ng mga kasulatan.
44 Sinabi niya sa kanila, “Nang kasama ko kayo, sinabi ko sa inyo na lahat ng nakasulat sa kautusan ni Moises at ng mga propeta at sa Aklat ng Mga Awit ay kailangan matupad.” 45 At binuksan niya ang kanilang mga isipan upang maunawaan nila ang Kasulatan. 46 Sinabi niya sa kanila, “Nasusulat, na kailangang maghirap ang Cristo, at muling mabuhay mula sa patay sa ikatlong araw. 47 At ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan ay dapat maipangaral sa kaniyang pangalan sa lahat ng mga bansa, mula sa Jerusalem.