Pahayag 13:13-14, Pahayag 18:23, Pahayag 20:3, Mt 24:24, 2 Cor 11:3, Jn 12:31, 1 Jn 3:8, Pahayag 20:10
Nililinlang ni Satanas ang lahat hanggang sa mapunta siya sa impiyerno. (Pahayag 12:9, Pahayag 13:13, Pahayag 18:23, Pahayag 20:3)
Pahayag 12:9 Ang dakilang dragon — ang dating ahas na tinawag na demonyo o Satanas na nanlilinlang sa buong mundo— ay tinapon pababa sa lupa, at ang kaniyang mga anghel ay itinapon pababa kasama siya.
Pahayag 13:13 Gumawa siya ng mga makapangyarihang himala, kahit pabagsakin ang apoy sa lupa mula sa langit sa harap ng mga tao,
Pahayag 18:23 Ang ilaw ng ilawan ay hindi na magliliwanag sa inyo kailanman. Ang mga tinig ng lalaking ikakasal at babaing ikakasal ay hindi na ninyo maririnig kailanman, dahil ang inyong mga mangangalakal ay ang mga prinsipe ng mundo at ang mga bansa ay nilinlang sa pamamagitan ng inyong pangkukulam.
Pahayag 20:3 Tinapon siya sa kailaliman ng hukay, ikinulong siya rito at sinelyuhan ang ibabaw nito. Para hindi na ito makapanglinlang kailanman ng mga bansa hanggang sa ang isang libong taon ang lumipas. Pagkatapos niyon, dapat siyang maging malaya ng maikling panahon.
Nililinlang ni Satanas maging ang mga mananampalataya. ( Mateo 24:24, 2 Corinto 11:3 )
Mateo 24:24 Sapagkat darating ang mga bulaang Cristo at mga bulaang propeta at magpapakita ng kahanga-hangang palatandaan at kababalaghan, upang iligaw, kung maaari, maging ang mga hinirang.
2 Corinto 11:3 Ngunit ako ay natatakot na baka katulad ni Eba, kayo ay malinlang ng ahas sa kaniyang pagiging tuso, at ang inyong kaisipan ay maaring mailayo sa tapat at dalisay na pananalig kay Cristo.
Pinalayas at winasak ni Jesus si Satanas, ang pinuno ng sanlibutan. (Juan 12:31, 1 Juan 3:8)
Juan 12:31 Ngayon na ang paghuhukom nitong mundo. Ngayon itataboy ang prinsipe ng mundong ito.
1 Juan 3:8 Siya na gumagawa nang kasalanan ay sa diablo, sapagkat ang diablo ay nagkasala na mula pa sa simula. Sa dahilang ito, ang Anak ng Diyos ay nahayag, upang kanyang mawasak ang mga gawa ng diablo.
Sa kalaunan ay itatapon si Satanas sa impiyerno at pahihirapan magpakailanman. (Pahayag 20:10)
Pahayag 20:10 Ang demonyo, na siyang nanlinlang sa kanila, ay itinapon sa lawa ng nasusunog na asupre, kung saan ang halimaw at ang mga bulaang propeta ay itinapon. Sila ay pahihirapan umaga at gabi magpakailan pa man.