2 Cor 4:6, Jn 1:4-5,9-12, Jn 3:19, Jn 8:12, Jn 12:46
Binigyan tayo ng Diyos ng liwanag ng pagkakilala sa Diyos, si Jesu-Kristo. ( Genesis 1:3, 2 Corinto 4:6 )
Genesis 1:3 Sinabi ng Diyos, ''Magkaroon ng liwanag” at nagkaroon ng liwanag.
2 Corinto 4:6 Sapagkat ang Diyos ang siyang nagsabi, “Ang liwanag ay magniningning mula sa kadiliman.” Siya ay nagliwanag sa aming mga puso, upang ibigay ang liwanag ng kaalaman sa kaluwalhatian ng Diyos sa presensiya ni Jesu-Cristo.
Si Hesus ang tunay na liwanag ng Diyos na naparito sa mundo. (Juan 1:4-5, 9-12, Juan 3:19, Juan 8:12, Juan 12:46)
Juan 1:4 Sa kaniya ay buhay, at ang buhay na iyon ay liwanag sa lahat ng sangkatauhan. 5 Ang liwanag ay sumisinag sa kadiliman, at ito ay hindi napawi nang kadiliman.
9 Iyon ang tunay na liwanag na dumarating sa mundo at iyon ang nagpapaliwanang sa lahat. 10 Siya ay nasa mundo, at ang mundo ay nalikha sa pamamagitan niya, at ang mundo ay hindi nakakakilala sa kaniya. 11 Dumating siya sa kaniyang sariling kababayan, at hindi siya tinanggap ng kaniyang sariling mga kababayan. 12 Ngunit sa kasing-dami nang tumanggap sa kaniya, na naniwala sa kaniyang pangalan, sa kanila niya ipinagkaloob ang karapatang maging mga anak ng Diyos,
Juan 3:19 Ito ang dahilan sa paghahatol, na ang ilaw ay dumating sa mundo, at minahal ng mga tao ang dilim kaysa ang liwanag dahil masama ang kanilang mga naging gawa.
Juan 8:12 Muli nagsalita si Jesus sa mga tao at sinabi, “Ako ang ilaw ng mundo; ang sumusunod sa akin ay hindi na maglalakad sa kadiliman kundi magkakaroon ng liwanag ng buhay.”
Juan 12:46 Ako ay naparito bilang isang liwanag sa mundo upang ang sinumang maniwala sa akin ay hindi na manatili sa kadiliman.