Ex 16:29, Deut 5:15, Heb 4:8, Mt 11:28, Mt 12:8, Mc 2:28, Lc 6:5

Nilikha ng Diyos ang langit at ang lupa at nagpahinga. ( Genesis 2:2-3 )

Genesis 2:2 Sa ikapitong araw dumating ang Diyos sa pagtatapos ng gawain na kanyang ginawa, at siya ay nagpahinga sa ikapitong araw mula sa lahat niyang gawain. 3 Pinagpala ng Diyos ang ikapitong araw at ginawang banal ito, dahil doon siya nagpahinga mula sa lahat ng gawain na kanyang nagawa sa kanyang paglikha.

Ibinigay ng Diyos sa mga tao ng Israel ang Sabbath. ( Exo 16:29, Deut 5:15 )

Exo 16:29 Tingnan ninyo, Ako, si Yahweh ang nagbigay ng Araw ng Pamamahinga sa inyo. Kaya sa ikaanim na araw ay binibigyan ko kayo ng tinapay para sa dalawang araw. Bawat isa sa inyo ay dapat manatili sa kanyang sariling lugar; walang dapat lumabas mula sa kaniyang lugar sa ikapitong araw.”

Deut 5:15 Isasaisip ninyo na kayo ay naging isang lingkod sa lupain ng Ehipto, at si Yahweh na inyong Diyos ang nagdala sa inyo palabas mula doon sa pamamagitan ng isang malakas na kamay at sa pamamagitan ng pagpapakita ng kapangyarihan. Kaya si Yahweh na inyong Diyos ang nagutos sa inyo na sundin ang Araw ng Pamamahinga.

Binigyan tayo ng Diyos ng tunay na kapahingahan, si Kristo. Si Hesus ang tunay na kapahingahan, ang Kristo. (Heb 4:8, Mateo 11:28, Mateo 12:8, Marcos 2:28, Lucas 6:5)

Heb 4:8 Kung naibigay na ni Joshua sa kanila ang kapahingahan, hindi na magsasalita ang Diyos tungkol sa ibang araw.

Mateo 11:28 Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at lubhang nabibigatan at bibigyan ko kayo ng kapahingahan.

Mateo 12:8 Sapagkat ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”

Marcos 2:28 Kung gayon, ang Anak ng Tao ay Panginoon maging sa Araw ng Pamamahinga.”

Lucas 6:5 Pagkatapos ay sinabi niya sa kanila, “Ang Anak ng Tao ay Panginoon ng Araw ng Pamamahinga.”