Rom 7:10, Deut 30:19-20, Jn 1:1,14, Rev 19:13, Rom 9:33, Isa 8:14, Isa 28:16
Sinabi ng Diyos kay Adan na kung kumain siya ng ipinagbabawal na prutas, tiyak na mamamatay siya. ( Genesis 2:17 )
Genesis 2:17 Pero mula sa puno ng kaalaman ng mabuti at masama ay hindi ka maaaring kumain, sapagkat sa araw na kumain ka mula roon, ikaw ay tiyak na mamamatay.”
Ang salita ng Diyos ay nagiging buhay sa mga tumutupad nito at kamatayan sa mga hindi tumutupad nito. (Roma 7:10)
Roma 7:10 Ang kautusan na magdadala sana ng buhay ay naging kamatayan para sa akin.
Sinabi ng Diyos na ang pagsunod sa salita ng Diyos ay buhay. (Deut 30:19-20)
Deut 30:19 Tinatawag ko ang langit at ang lupa para maging saksi laban sa inyo sa araw na ito, itinalaga ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang mga pagpapala at mga sumpa, kaya piliin ninyo ang buhay para kayo at ang inyong lahi ay mamuhay ng matagal. 20 Gawin ito para mahalin si Yahweh na inyong Diyos, para sundin ang kaniyang salita, at para kumapit sa kaniya. Dahil siya ang inyong buhay at ang haba ng inyong mga araw, gawin ninyo ito para maaari kayong mamuhay sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno, kay Abraham, kay Isaac, at kay Jacob, na ibibigay sa kanila.”
Si Hesus ang Salita ng Diyos na nagkatawang-tao. (Juan 1:14, Pahayag 19:13)
Juan 1:14 Ngayon ang Salita ay naging laman at namuhay na kasama namin. Nakita namin ang kaniyang kaluwalhatian, kaluwalhatiang katulad ng nasa nag-iisang natatanging katauhan na naparito mula sa Ama, punong-puno ng biyaya at katotohanan.
Pahayag 19:13 Nakasuot siya ng balabal na nilublob sa dugo at ang kaniyang pangalan ay Ang Salita ng Diyos.
Ang mga naniniwala na si Jesus ang Kristo ay may buhay, at ang mga hindi naniniwala dito ay haharap sa walang hanggang kamatayan. (Rom 9:33, Isa 8:14, Isa 28:16)
Rom 9:33 gaya ng nasusulat, “Tingnan ninyo, naglagay ako sa Sion ng batong katitisuran at malaking batong kadadapaan. Ang sinumang manampalataya rito ay hindi mapapahiya.”
Isa 8:14 Siya ay magiging santuaryo; pero siya ay tulad ng isang bato na tatama sa kanila, at isang malaking bato na makakapagpatumba sa dalawang bahay ng Israel. At siya ay magiging patibong at silo sa mamamayan ng Jersusalem.
Isa 28:16 Kaya sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo: Maglalagay ako ng isang pundasyong bato sa Sion, isang subok na bato, isang tanging panulukang bato, isang tiyak na pundasyon. Siya na naniniwala ay hindi mapapahiya.