Lev 1:5-6, Lev 17:11, Rom 3:25
Upang protektahan sina Adan at Eva, na mga makasalanan, ang Diyos ay pumatay ng mga hayop at gumawa ng mga damit na may mga balat at dinamitan sila. Ito ay nagpapahiwatig na si Kristo ay iaalay para sa atin. ( Genesis 3:21 )
Genesis 3:21 Gumawa si Yahweh na Diyos ng mga kasuotang balat para kay Adan at para sa kanyang asawa at dinamitan sila.
Sa Lumang Tipan, pinahintulutan ng Diyos na mabuhos ang dugo ng mga hayop para mapatawad ang mga kasalanan ng mga Israelita. (Lev 1:5, Lev 17:11)
Lev 1:5 Pagkatapos dapat niyang patayin ang toro sa harapan ni Yahweh. Ang mga anak na lalaki ni Aaron, ang mga pari, ihahandog ang dugo at isasaboy ito sa altar na nasa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
Lev 17:11 Sapagkat ang buhay ng isang hayop ay nasa dugo nito. Ibinigay ko ang dugo nito sa inyo upang gawing pambayad ng kasalanan sa altar para sa inyong mga buhay, dahil ang dugong ito ang ginagawang pambayad ng kasalanan, sapagkat ang dugo ay pambayad ng kasalanan para sa buhay.
Si Hesus ang naging pangpalubag-loob na hain upang patawarin ang ating mga kasalanan. (Roma 3:25)
Roma 3:25 Sapagkat ipinagkaloob ng Diyos si Cristo bilang pampasuyo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kaniyang dugo. Inialay niya si Cristo, bilang patotoo sa kaniyang katarungan, dahil sa kaniyang hindi pagpansin sa mga nakaraang kasalanan