Mc 4:21-22, Lc 12:2-3, 1 Jn 1:1-2
Sinasabi ng Bibliya na si Hesus ang mismong Kristo na binanggit ng Diyos sa pamamagitan ng Lumang Tipan. Maraming tao ang maaaring magbasa ng Bibliya ngunit hindi ito alam. Ngunit sa bandang huli, ang katotohanan na si Jesus ang Kristo ay mahahayag. (Mat 10:26, Marcos 4:21-22, Lucas 12:2-3)
Mat 10:26 Samakatwid huwag ninyo silang katakutan, sapagkat walang lihim ang hindi nabubunyag, at walang natatago na hindi malalaman.
Marcos 4:21 Sinabi ni Jesus sa kanila, “Magdadala ba kayo ng lampara sa loob ng bahay upang ilagay ito sa loob ng basket o sa ilalaim ng higaan? Dadalhin ninyo ito sa loob at ilalagay sa lagayan ng lampara. 22 Sapagkat walang itinatago na hindi maihahayag at walang lihim na hindi maibubunyag.
Lucas 12:2 Ngunit walang nakatago ang hindi maisisiwalat, at walang lihim ang hindi malalaman. 3 Kaya kung anuman ang inyong nasabi sa kadiliman ay maririnig sa liwanag, at anuman ang inyong ibinulong sa pinakaloob ng mga silid ay maihahayag sa ibabaw ng mga bubong.
Ang plano ng kaligtasan ng Diyos na binalak mula pa sa simula, iyon ay, si Kristo, ay nahayag sa wakas. Si Hesus ang Kristo. (1 Jn 1:1-2)
1 Jn 1:1 Na kung alinman mula sa simula- na aming narinig, na nakita ng aming mga mata, na aming natunghayan, at nahawakan ng aming mga kamay-patungkol sa Salita ng buhay. 2 At ang buhay ay nagawang ipaalam, at aming nakita, at nasaksihan, at hinayag sa inyo ang buhay na walang hanggan, na noon ay kasama ng Ama, at nagawang ipaalam sa amin.