Gen 27:26-29, Rom 9:10-13, Mal 1:2
Ipinropesiya na si Jacob ay magiging mas malakas na bayan kaysa kay Esau. ( Genesis 25:22-23 )
Genesis 25:22 Ang mga bata ay magkasamang nagtunggali sa loob niya at sinabi niya, “Bakit ito nangyayari sa akin?” Tinanong niya si Yahweh tungkol dito. 23 Sinabi ni Yahweh sa kanya, “Dalawang bansa ang nasa iyong sinapupunan, at dalawang bayan ang mahihiwalay mula sa iyong loob. Isang bayan ang magiging mas malakas kaysa sa isa, at ang nakatatanda ay maglilingkod sa nakababata.”
Pinagpala ni Isaac si Jacob na sakupin ang lupain kung saan darating si Kristo at ipinropesiya na darating si Kristo bilang inapo ni Jacob. ( Gen 27:26-29 )
Gen 27:26 Sinabi ng kanyang amang si Isaac, “Lumapit ka sa akin at hagkan mo ako, anak ko.” 27 Lumapit si Jacob at hinalikan siya, at naamoy niya ang amoy ng kanyang damit at pinagpala siya. Sinabi nya, “Tingnan mo, ang amoy ng aking anak ay katulad ng amoy ng isang bukid na pinagpala ni Yahweh. 28 Nawa bigyan ka ng Diyos ng isang bahagi ng hamog ng langit, isang bahagi ng katabaan ng lupa, at masaganang mga butil at bagong alak. 29 Nawa ang mga tao ay maglingkod sa iyo at yumuko sa iyo ang mga bansa. Maging amo ka ng iyong mga kapatid na lalaki, at nawa ang mga anak ng iyong ina ay yumuko sa iyo. Nawa ang bawat isang sumumpa sa iyo ay sumpain; at nawa ang bawat isang magpala sa iyo ay pagpalain.”
Mas mahal ng Diyos si Jacob kaysa kay Esau dahil pinili ng Diyos na ipadala si Kristo bilang inapo ni Jacob. (Rom 9:10-13, Mal 1:2)
Rom 9:10 Hindi lamang ito, ngunit pagkatapos ring magbuntis ni Rebecca sa pamamagitan ng isang lalaki, na ating amang si Isaac— 11 sapagkat ang mga anak ay hindi pa isinisilang at walang pang nagagawang mabuti o masama, upang ang layunin ng Diyos ayon sa pagpili ang manatili, hindi dahil sa mga gawa, kung hindi ay dahil sa kaniya na tumatawag— 12 sinabi sa kaniya, “Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata.” 13 Tulad ng nasusulat: “Inibig ko si Jacob, ngunit kinamuhian ko si Isau.”
Mal 1:2 “Inibig ko kayo,” sinabi ni Yahweh. Ngunit sinabi ninyo, “Paano mo kami inibig?” “Hindi ba kapatid ni Jacob si Esau?” ang pahayag ni Yahweh. “Gayon pa man, inibig ko si Jacob