Lc 10:21-24, Mt 28:18, Jn 3:35-36, Jn 1:18, Jn 6:46, Jn 10:30, Jn 17:11

Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad na siya ang Anak ng Diyos, at sinabi niya, “Mapalad ang mga alagad na nakaalam nito.” (Mt 11:25-27, Lucas 10:21-24)

Mt 11:25 Nang mga oras na iyon sinabi ni Jesus, “Pinupuri kita, Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil ikinubli mo ang mga bagay na ito sa mga marurunong at nakauunawa at iyong inihayag ang mga ito sa mga hindi nakapag-aral, tulad ng mga maliliit na bata. 26 Oo, Ama, sapagkat ito ang labis na nakalulugod sa iyong paningin. 27 Lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin ng aking ama. At walang nakakikilala sa Anak maliban sa Ama at walang nakakikilala sa Ama maliban sa Anak, at sa kahit sinuman na naisin ng Anak na ihayag ang Ama.

Lucas 10:21 Sa parehong oras na iyon, siya ay nagalak nang lubusan sa Banal na Espiritu, at sinabi, “Pinupuri kita, O Ama, Panginoon ng langit at lupa, dahil itinago mo ang mga bagay na ito mula sa matatalino at nakakaunawa, at ipinahayag ang mga ito sa mga walang muwang, tulad ng mga maliliit na bata. Oo, Ama, sapagkat ito ay nakalulugod sa inyong paningin.” 22 ''Ang lahat ng mga bagay ay ipinagkatiwala sa akin mula sa aking Ama, at walang nakakakilala sa Anak maliban sa Ama, at walang nakakakilala sa Ama maliban sa Anak, at kanino man na naisin ng Anak na ipahayag siya.” 23 Nang humarap siya sa mga alagad, sinabi niya nang bukod, “Pinagpala ang mga nakakakita sa mga bagay na nakikita ninyo. 24 Sinasabi ko sa inyo, maraming mga propeta at mga hari na hinangad na makita ang mga bagay na inyong nakikita, at hindi nila ito nakita, at marinig ang mga bagay na inyong naririnig, at hindi nila narinig.”

Sinabi rin ni Jesus na ibinigay ng Diyos ang lahat ng awtoridad kay Jesus, ang Anak ng Diyos. ( Mat 28:18, Jn 3:35-36 )

Mat 28:18 Pumunta si Jesus sa kanila at nagsalita sa kanila at sinabi, “Ibinigay sa akin ang lahat ng kapangyarihan sa langit at sa lupa.

Jn 3:35 Mahal ng Ama ang Anak at ibinigay niya ang lahat sa kaniyang mga kamay. 36 Ang nananampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan, ngunit ang sinumang hindi sumusunod sa Anak ay hindi makakakita ng buhay, kundi mananatili ang poot ng Diyos sa kaniya.”

Si Hesus ang bugtong na Anak na kasama ng Diyos. (Jn 1:18, Jn 6:46)

Jn 1:18 Kailanman, walang tao ang nakakita sa Diyos. Ang isa at nag-iisang katauhan, na mismo ay Diyos, na siyang nasa dibdib ng Ama, nagawa niya siyang maipakilala.

Jn 6:46 Hindi sa ang sinuman ang nakakita sa Ama, maliban sa siyang nagmula sa Diyos - nakita na niya ang Ama.

Si Hesus at ang Diyos ay iisa. Ibig sabihin, si Hesus ang bugtong na Anak ng Diyos na kaisa ng Diyos. ( Jn 10:30, Jn 17:11,22 )

Jn 10:30 “Ako at ang Ama ay iisa.” 31 Pagkatapos ay kumuhang muli ng mga bato ang mga Judio upang batuhin siya.

Jn 17:11 Ako ay hindi na sa mundo, ngunit ang mga taong ito ay nasa mundo, at ako ay pupunta na sa iyo. Banal na Ama, panatilihin sila sa iyong pangalan na ibinigay mo sa akin upang sila ay maging isa, katulad natin na iisa.
22 Ang kaluwalhatian na ibinigay mo sa akin — ibinigay ko ito sa kanila, upang sila ay maging isa, tulad natin na iisa —