Gen 38:18, Gen 38:24-30, Mt 1:1-3
Pinanghawakan ni Tamar ang tipan ni Kristo na lumapit at matulog sa kanyang biyenan. ( Gen 38:13-15,18 )
Gen 38:13 Nasabihan si Tamar, “Tingnan mo, ang iyong biyenan na lalaki ay pupunta pataas sa Timnat upang gupitan ang balahibo ng kanyang mga tupa.” 14 Hinubad niya ang damit sa pagkabalo at tinakpan ang kanyang sarili ng isang belo at ibinalot ang sarili. Umupo siya sa tarangkahan ng Enaim, sa tabi ng daan patungong Timnat. Dahil nakita niyang si Selah ay lumaki na ngunit hindi siya binigay bilang asawa niya. 15 Nang makita siya ni Juda naisip niya na siya ay isang babaeng bayaran dahil tinakpan niya ang kanyang mukha.
18 Sinabi niya, “Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?” At sinabi niya, “Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay.” Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya.
naging anak ni Tamar si Perez kay Juda. Si Kristo ay dumating bilang angkan ni Perez. ( Gen 38:24-30 , Mat 1:1-3 )
Gen 38:24 Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, “Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon.” Sinabi ni Juda, “Siya'y ilabas upang sunugin.” 25 Nang siya ay dinala palabas, nagpadala siya ng mensahe para sa kanyang biyenan na lalaki, “Dahil sa lalaking nagmamay-ari nito nabuntis ako.” Sabi niya, “Pakiusap alamin ninyo kung kaninong selyo, mga kordon at tungkod ito.” 26 Nakilala ni Juda ang mga ito at sinabi, “Siya ay mas matuwid kaysa sa akin, dahil hindi ko siya ibinigay bilang isang asawa kay Selah, na aking anak na lalaki.” Siya ay hindi na muling sumiping sa kanya. 27 Nang siya ay manganganak na, masdan, kambal ang nasa kanyang sinapupunan. 28 Nang nanganganak na siya, may isang naglabas ng kamay, at kinuha ng komadrona ang isang pulang sinulid at itinali ito sa kanyang kamay at sinabi, “Ito ang unang lumabas.” 29 nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, “Paano ka nakalabas!” At pinangalanan siyang Perez. 30 Pagkatapos ang kapatid niya ay lumabas, na mayroong pulang sinulid sa kanyang kamay, at Zera ang ipinangalan sa kanya.
Mat 1:1 Ito ang aklat ng talaan ng angkan ni Jesu-Cristo na anak ni David na anak ni Abraham. 2 Si Abraham ang ama ni Isaac at si Isaac ang ama ni Jacob, at si Jacob ang ama ni Juda at ng mga kapatid niya. 3 Si Juda ang ama ni Fares at Zara kay Tamar, si Fares ang ama ni Esrom at si Esrom ang ama ni Aram.