Jn 1:29, 36, 19:33, 36

Iniutos ng Diyos na huwag baliin ang mga buto ng kordero ng Paskuwa. ( Exo 12:46 )

Exo 12:46 Dapat kainin ang pagkain sa isang bahay. Huwag kayong magdadala ng anumang karne sa labas ng inyong bahay, at hindi ninyo dapat baliin ang kahit anumang buto nito.

Si Jesus ang Kristo, ang Kordero ng Paskuwa. ( Juan 1:29, 36 )

Juan 1:29 Sa sumunod na araw nakita ni Juan na paparating si Jesus sa kaniya at sinabi, “Tingnan ninyo, ayun ang kordero ng Diyos na siyang nag-aalis nang mga kasalanan ng mundo!
36 nakita nila si Jesus na naglalakad sa malapit, at sinabi ni Juan, “Tingnan ninyo, ayun ang Kordero ng Diyos!”

Namatay si Jesus para sa atin gaya ng ipinropesiya tungkol sa kordero ng Paskuwa sa Lumang Tipan, at hindi nabali ang kanyang mga paa. ( Juan 19:33, 36 )

Juan 19:33 Nang pumunta sila kay Jesus, nakita nila na siya ay patay na kaya hindi na nila binali ang kaniyang mga binti.
36 Ang mga bagay na ito ay nangyari upang ang kasulatan ay matupad, “Walang mababali ni isa sa kaniyang mga buto.”